Jimuel Pacquiao, ipinasilip ang kanyang kwarto na napakalawak at mamahalin na mga kagamitan

Ilan sa mga celebrity, vlogger o kilalang mga personalidad ngayon ay ibinabahagi ang kanilang tahanan at kwarto para sa kanilang taga-hanga ngunit may iilan din na ginagawa itong pribado.

Para sa mga vlogger at ilan showbiz icons ay hindi na ito personal na espasyo dahil maging ang kanilang kwarto ay ibinibida na din nila sa kanilang mga vlogs at mga videos.

Screenshot mula sa Youtube video ni Jimuel Pacquiao

Katulad na lamang ng anak ni Senator Manny ‘Pacman’ Pacquiao na si Jimuel Pacquiao, pinasok na din ang mundo ng pagiging vlogger kung saan madalas na din siya gumawa ng mga videos kasama ang kanyang mga kapatid at madalas ay tungkol sa kanyang lifestyle.

Screenshot mula sa Youtube video ni Jimuel Pacquiao

Ibinahagi ni Jimuel Pacquiao ang kanyang loob ng kwarto. Makikita dito kung gaano ito kalawak at ang mga gamit ay talagang masasabi mong ‘Anak ni Pacquiao’.

Makikita ang kanyang X box at personal na computer na ginagamit sa kanyang pag-aaral at paglalaro.

Screenshot mula sa Youtube video ni Jimuel Pacquiao

May sariling sofa din sa loob ng kwarto ni Jimuel na minsan ay doon kumakain. Makikita sa kanyang mga pagkain ang simpleng pastillas at cookies para kapag siya ay nakaramdam ng gutom ay may makakain siya.

Screenshot mula sa Youtube video ni Jimuel Pacquiao

Ibinahagi din ni Jimuel ang mga koleksyon niyang sapatos na talagang mapapa-wow at mapapa-sana all ka na lang. Ipinakita din niya ang kanyang closet kung saan makikita mo na nakaayos ang magaganda at mamahalin na damit ni Jimuel.

Screenshot mula sa Youtube video ni Jimuel Pacquiao

Para sa mga normal na tao, ang mga damit ni Jimuel na kanyang pambahay umano ay parang pang-alis na sa mga simpleng tao dahil napakaganda at mamahalin ng mga ito.

Ipinakita din ni Jimuel ang sariling niyang cr na napakalaki na pwede na maging isang kwarto pa kung saan makikita ang napakaraming hygiene things para sa panlalaki.

Namangha naman ang mga netizens nang ipasilip ni Jimuel ang kanyang magarang kwarto dahil napaka-natural daw nitong batang ito. Siya daw yung tipong mayaman ngunit hindi mo kakainisan kapag sinasabi ang kanyang mga gamit.

Narito din ang ilan komento ng mga netizens kung saan sila ay namangha.

“It’s sad how people are calling him out for being rich. I mean it’s not his problem his father is a billionaire.”

“Calm down people. He eats instant pancit canton, he’s alright. He has normal stuff in his room, just the richer and fancier version.”

“This is the most honest room tour I’ve watched so far. Yung iba kasing celebs papaayos muna, papalinis and all. Which is fine. Pero ang honest lng neto kase”

Loading...