Komedyanteng si Allan K, ipinasilip sa mga netizens ang kanyang naipundar na Luxurious House

Kilala si Allan K bilang isang komedyante at TV hose sa industriya ng Showbiz. Mapapanood si Allan K sa nooontime show na ‘Eat Bulaga’.

Hindi rin imposible na makapagpundar siya ng isang magarbo at magandang tahanan dahil sa sipag at pagsusumikap niya sa kanyang trabaho at negosyo ay napagtagumpayan niya abutin ito.

Photo Credits: allan_klownz | Instagram

Sa kanyang socmed account ay ibinahagi ni Allan K sa kanyang mga tagahanga ang kanyang naipundar na bahay kung saan masasabi talagang yayamanin.

Sa kanyang interior at kagamitan ay masasabi na moderno lahat. Makikita sa mga larawan na ibinahagi ni Allan K na ang kanyang tahanan ay may tatlong kulay na makikita. Ito ay ang white, silver at white gold kung saan binibigay nito ang maaliwas at yayamanin looks.

Photo Credits: allan_klownz | Instagram

Sa report ni Iya Villania sa GMA 24 Oras Chika Minute segment, Ang nag-aayos ng kanyang bahay ay si Allan K lamang dahil hilig umano nito ang pag-aayos at pagdedesenyo ng mga bahay at isa sa pangarap niya noon na abutin ay ang pagiging interior designer.

Photo Credits: allan_klownz | Instagram

Maraming beses na din na-featured ang bahay ni Allan K sa ilan websites at ilan palabas sa telebisyon dahil sa kanyang elegante, simple at maaliwalas na bahay.

Photo Credits: allan_klownz | Instagram

Ayon din sa ibang netizens talagang relaxing ang tahanan ni Allan K sa katunayan ay madalas ito tambayan ng ilan artista at dabarkads dahil sa maaliwalas ito at nakakatanggal talaga ng problema.

Photo Credits: allan_klownz | Instagram

Hindi rin imposible na naabot ito ni Allan K dahil sa kanyang kagustuhan matupad ang kanyang pangarap ay pinagsikapan talaga niya ito.

Photo Credits: allan_klownz | Instagram

Bukod sa bahay na kanyang naipundar ay may naitayo na din siyang mga negosyo. Alam ng lahat na si Allan K ay hindi galing sa marangya na buhay bago pumasok sa industriya ng showbiz.

Photo Credits: allan_klownz | Instagram

Nagtrabaho siya, nagsipag, nagsumikap para sa kanyang pamilya na maiahon sa kahirapan kaya ngayon kahit abot na niya ang tagumpay ay patuloy pa din siya nagtatrabaho.

Loading...