Andi Eigenmann, ibinahagi sa mga netizens ang kanyang simpleng buhay at pinapatayong bahay sa probinsya

Sa panahon ngayon, marami na ang gumagawa ng mga vlog kung saan ibinabahagi nila ang kanilang buhay at sa araw-araw na ginagawa. Simpleng tao o maging mga artista ay ginagawa na rin ang pag-vlog na tinatangkilik ng mga netizens.

Alam naman natin na si Andi Eigenmann ay galing sa isang marangya at may kayang pamilya ngunit sa pagmamahal sa kanyang asawa at mga anak ay mas pinili nito ang tahimik na buhay.

Isa sa makikita ngayon sa Youtube ay ang vlog ni Andi Eigenmann kasama ang kanyang partner na si Philmar Alipayo at ang kanilang mga anak.

Ibinahagi ni Andi ang kanilang travel sa eroplano pabalik sa kanilang tinitirahang isla sa may Siargao. Ipinasilip din niya ang pinapagawang bahay.

Mas napansin ng mga netizens sa vlog ay kung paano alagaan ni Andi ang kanyang mga anak na talagang itinuturing na kayamanan.

Simple lamang ang buhay nila Andi sa probinsya kung saan malayo sa polusyon, intriga, problema at stress kaya hindi rin masisisi kung bakit niya mas pinili sa ganitong buhay.

Mapapansin din sa vlog kung paano alagaan ni Andi ang kanyang asawa at mga anak kung saan hinangaan ng husto si Andi ng mga netizens at mga taga-panood ng kanyang vlog.

Narito rin ang ilan komento ng mga netizens sa kanyang vlog kung saan pinupuri siya at binabati sa kanyang buhay ngayon.

“A picture of a woman who don’t need material things, big houses and fancy car to make her happy.”

“Andi’s life looks like a princess who leaves her castle to be with her man and live in the most simpliest way.”

“Simple life is what we need only, just what nature’s bring is God’s blessing na. Good job Andi, what makes you happy, that’s it.”

“I wish I can raise my kids just like this. My heart is bursting seeing this kids. Looking forward to more videos Andi”

Loading...