Wowie de Guzman, matapos maging Byudo pinagbutihan ang pagiging Ama at Ina sa kanyang nag-iisang anak

Sino ba naman ang hindi makakakilala kay Wowie de Guzman noong dekada 90? Kilala ang matinee idol na ito noon dahil sa galing sa pag-arte at pagsasayaw.

Nagkaroon siya ng iba’t ibang pelikula kung saan naging katambal niya si Judy Ann Santos.

Matapos iwan ang showbiz ay nahiligan niya ang pagsasayaw at naging abala siya sa kanyang sariling pamilya. Naikasal siya sa asawang si Sheryl Ann at naging maganda ang daloy ng kanilang pagsasama.

Nabiyayaan sila ng isang anghel ngunit sa hindi inaasahan na pangyayari ay pumanaw naman si Sheryll noong taong 2014 ilan buwan lamang matapos nitong manganak.

Naging masakit ito sa dating aktor sa naging tadhana nilang mag-asawa na tila naglaho ang kanilang pangarap na dalawa.

Ganoon pa man ay nagpapasalamat pa rin si Wowie dahil naiwan sa kanya ang nag-iisa niyang anak na si Alexandra Rafaella na siya ngayon pinanghuhugutan ng lakas at sandigan upang magpatuloy sa kanyang buhay.

Limang taon nang biyudo si Wowie at siya ang tumatayong ama at ina sa kanyang nag-iisang anak. Ibinabahagi ni Wowie sa socmed media post ang kanilang pagsasama ng kanyang ama.

Madalas din niya ito ilabas at ipinapasyal sa iba’t ibang lugar upang hindi siya magkulang sa pag-aalaga rito.

Marami naman natuwa at humanga sa aktor dahil sa kanyang pagmamahal para sa anak.

Loading...