Batang may baon ng tirang paksiw na galunggong at nilagang kamote sa eskwela, maraming netizens naantig ang puso at naka-relate

Isang senaryo kung saan maraming netizens ang naantig ang kanilang puso na naging viral sa socmed.

Ibinahagi ang larawan sa Facebook page ng Radyo Bandera Sweet FM – Dumaguete ang isang batang babae kung saan ang laman ng kanyang lunch box ay hindi madalas makikita na baon ng mga ilan kabataan sa eskwela.

Ang pagkain na baon ng batang babae ay hindi ordinaryo na ibinabaon sa eskwela na makikita natin sa panahon ngayon. Ang baon ng batang babae ay tirang paksiw na maliliit na galunggong at ilan pirasong nilagang kamote.

Sa probinsya ay hindi gaano masasabi maluwag ang kanilang buhay kaya ang mga bagay na mayroon sila sa kanilang paligid tulad ng mga panananim na gulay at isda ay kanilang binabaon.

Nag-viral ang larawan na ito dahil maraming netizens ang naantig sa batang babae. Kahit ganoon ang baon ay nagsusumikap pa din ito makapag-aral upang sa kanyang paglaki ay maihaon ang pamilya sa kahirapan.

Ayon din sa ibang netizens ay nakarelate sila sa batang babae dahil minsan rin sila nakapagbaon ng ganito sa eskwela at minsan ay wala din baon na papasok sila sa eskwela kaya napakasakit sa loob lalo na makikita ang ka-eskwela ay maraming baon.

Ayon pa sa ibang netizens, kahit simpleng baon ng bata ay di hamak na mas masustansya naman daw ito kaysa sa mga ibinibigay na pera ng mga magulang.

Marami rin napagtanto ang ibang netizens na sila ay may masarap na ulam ngunit hindi pa kontento at minsan mga hindi pa kumakain. Minsan ay maraming reklamo pa sa kanilang buhay kahit may sapat na kinakain sila araw-araw.

Marami rin ang nagnanais magbigay ng kaunting tulong sa bata dahil sa kanyang kasipagan sa pag-aaral at hindi alintana kung may baon o wala.

Loading...