Mister na ma-effort, niregaluhan si Misis na mahilig mag-online shopping na talagang ikinagulat nito

Isa sa pinakamahalagang bagay pa rin bilang mag-asawa ay hindi nawawala ang kanilang pagmamahalan at ang kanilang turingan noong sila ay mag gf/gf pa lamang.

Binigyan ng regalo ni Mac Mcguire ang kanyang misis sa kaarawan nito noong July 20, 2019.

Imbis na pang karaniwan na cake ang kanyang iregalo, binigyan niya ito ng pansin at tinutukan upang maging espesyal ito para sa araw ng kanyang asawa.

Dahil alam ni Mac na mahilig mag-online shopping at madalas umorder ay palaging may dumarating na package sa kanila.

Online retailer ng Amazon ang asawang si Emily at isa itong photographer. Naisip ni Mac magpa-customize ng isang birthday cake sa Sweet Dreams Bakery of Dunn sa North Carolina.

“When you order a lot from Amazon, you get an Amazon box cake.” ayon sa post ni Emily kasama ang litrato ng cake na ipinost sa Instagram.

View this post on Instagram

When you order a lot from Amazon..you get an Amazon box cake. . . . #amazon #birthdaycake #i❤️amazon #hubbydidgood #photo #instagood #pictures #present

A post shared by Emily (@emily_mcguire_photography) on

Ang cake ay may tatlong layers at ginamitan ito ng fondant icing para makuha ang disenyong shipping box ng Amazon.

Para maging makatotohanan ay nilagyan din ito ng label na naka-address kay Emily ay may sulat kamay din na salitang ‘Happy Birthday’.

Amazon box cake

Posted by Sweet Dreams Bakery of Dunn on Saturday, 20 July 2019

Ayon sa Sweet Dreams Bakery, lahat ng bahagi ng cake ay edible kung saan pati ang tape at label ay maaari rin nila gawin ng gluten-free version para sa mga special diet.

“It was delicious! Thank you so much!” sambit ni Emily sa comment sa post ng Sweet Dreams Bakery sa Facebook tungkol sa cake na ipinost.

Loading...