Isang Igorot gumuguhit ng mga nakakamangha na artworks gamit ang magnifying glass at sinag ng araw

Nakamamangha ang mga talento ng mga Igoroto mula sa La Trinidad, Benguet kung saan detalyado ang kanilang ginagawa na obra o likhang sining gamit ang magnifying glass na pangguhit imbis na lapis o brush.

Ayon kay Jordan Mang-osan, Solar Drawings kung tawagin ito. Gumagamit siya ng sikat ng araw na itatapat sa magnifying glass upang makaguhit sa canvass na kahoy katulad ng plywood.

Sa paggawa ng Solar Drawings dapat ay maging maingat ang posisyon ng magnifying glass habang nasisikatan ito ng araw at dapat ay preparado na ang wood panel canvass.

Screenshot from ABS-CBN

Pyrography ang tawag sa ganitong estilo na obra ngunit kakaiba ang ginagawa ni Mang-osan dahil karaniwan na pyrography art ay mga de kuryente na gamit tulad ng soldering iron.

Ang ganitong obra ay ginagamitan ng tyaga at pasensya dahil dahan-dahan at metikuloso itinatapat ang araw sa magnifying glass upang makagawa ng mga linya.

Ang kadalasan na kanyang likhang-sining ay mga kultura at tradisyon ng mga taga-Cordillera. Madalas din gawin ni Mang-osan ang mga portrait na kilalang mga personalidad gaya na lamang ni Senator Manny Pacquiao at Miss Universe Pia Wurtzbach.

Ang mga parangal na natanggap ni Mang-osan ay hindi na mabilang sa dami dahil sa kanyang solar artworks. Ayon pa sa kanya tuwing siya ay gumagawa ng obra ay nilalagay niya sa kanyang puso upang mabigyan ng halaga ang kanyang ginagawa.

Ang kanyang obra ay nabibili sa halagang p2,000 hanggang P100,000 bawat isa.

Loading...