Nobyo praktikal ang regalo sa kanyang Nobya sa taon-taon tuwing Valentine’s Day, umani ng papuri sa socmed

Nakasanayan na ng marami sa atin na ang Valentine’s day ay araw ng mga puso kung saan ipinagdiriwang ito ng mga pamilya, mag-asawa, magkakaibigan at magkasintahan.

Sa panahon din ngayon ay sinosorpresa ng mga nobyo o nobya maging ang mga mag-asawa ang kanilang kapareha ng isang regalo, bulaklak, tsokolate o iba pang magugustuhan ng kanilang kapareha.

Ngunit may isang senaryo na kakaiba ang ibinigay ng kanyang nobyo na talaga naman ikinahanga ng marami dahil sa pagiging praktikal daw nito.

Ibinahagi ni Adrian Scott dela Cruz ang kanyang praktikal na regalo sa kanyang nobya tulad ng isang sakong bigas, isda at mga karne.

Noong 2017 ang ibinigay ni Adrian kay Sarah ay isang sakong bigas kung saan may caption siya na, “Mahal ko, ito nalang regalo ko sayo kesa sa bulaklak ha? Idadaan ko nalang sa bahay ninyo ito ngaun. Sana magustuhan mo toh. Happy Valentines day mahal ko!”

Mahal ko, ito nalang regalo ko sayo kesa sa bulaklak ha? Idadaan ko nalang sa bahay ninyo ito ngaun. Sana magustuhan mo toh.😍 Happy Valentines day mahal ko! 😘😍 #BigasFebIbig

Posted by Adrian Scott Dela Cruz on Monday, 13 February 2017

Sa halip bigyan niya ito ng mga mamahalin tsokolate at bulaklak ay bigas ang ibinili nito dahil magkapresyo na daw ito.

Noong 2018 naman ay ibinigay ni Adrian kay Sarah ay isang cooler na puro karne at isda ang laman kung saan lahat naman daw ng paborito ng kanyang nobya ay naroon at lutuin na lang daw.

Mahal ito ang regalo ko para sayo sa araw na ito 😘 sana magustuhan mo mga pinalengke ko. May manok, hito, baboy,…

Posted by Adrian Scott Dela Cruz on Tuesday, 13 February 2018

Talaga naman ikinatuwa ito ng marami at napag-isip isip din na tama din maging praktikal kaysa sa mga bulaklak na malalanta lamang at maitatapon. Mas mabuti na daw ang pagkain dahil makakain ito at mapapakinabangan talaga.

Loading...