Tom’s World Ticket kapalit ng Motor: isang lalaki ang tatlong beses nang nakakakuha ng Motor gamit ang mga naipong ticket points

Ang pag lalaro ay isang uri ng pag lilibang. At ang paglilibang ay walang pinipiling edad. Kadalasan, ang mga laro ay may papremyo.

Kaya naman ang iba ay nag eenjoy na, nananalo pa. Isang lalaki ang hinangaan ng mga netizens dahil sa aking galing at malamang ay pagiging bihasa sa paglalaro sa mga amusement center kagaya na lamang ng Tom’s World.

Inanunsyo ng Tom’s World official page sa facebook ang pagkapanalo ng isang netizen na nag ngangalang Miguel Co na nanalo ng isang motorsiklo.

Ang sabi sa caption ay “It’s another day but it’s no ordinary day for Mr. Miguel Co who just claimed a brand new Yamaha MT-15 for 1,607,500 ticket points at Tom’s World SM City Sta. Rosa,”

Kapansin pansin na hindi ito ang kauna-unahang beses na nanalo si Miguel Co ng motor sa pamamagitan ng pag iipon at pagkakapanalo ng mga tickets mula sa Tom’s World.

TMX 150 Honda Supremo gamit ang naipong 764,925 tiockets noong taong 2018. Nasundan pa ito noong 2019 nang mag-uwi naman siya ng Honda PCX 150 gamit ang 1,410,500 points.

Narito ang ibang komento ng mga netizens.

“Wala sa presyo yan or nagastos ang IMPORTANTE MASAYA KA KC NAGLARO KA. May tiyaga may motor”

“Yan yung mga magagaling maglaro ng isda pag nakaipon ng tokens laro sa ticketan.”

“Wow nag redeem na din siya dati ng honda pcx! Lupet mo sir! Lagi ko nakikita yan sa SM Sta. Rosa”

“That’s what you called happiness. Kahit mas malaki pa ung nagastos nya kesa sa actual price ng motor at least dyan siya nagiging masaya siya kasi nakakapaglaro siya. Kumbaga paunti-unti makukuha mo gusto mo kahit afford naman nya ng isang bagsakan lang. Congrats sir!”

Loading...