Binigyan ang isang lalaking may karamdaman na namamalimos sa lansangan ng isang vlogger na may mabuting puso

Ang vlogger na si Jose Hallorina ay nagtatampok ng mga ordinaryong tao na madalas makikita sa lansangan o mga may karamdaman.

Mula sa tagahanga ng vlogger na si Jose ay binigyan siya ng impormasyon patungkol sa isang lalaki na namamalimos at may karamdaman sa lansangan kung saan agad niya itong pinuntahan.

Nakilala ang namamalimos na si Gary. Pagpunta pa lamang ni Jose ay may dala na itong pagkain para sa lalaking namamalimos. Napag-alaman na ang kondisyon na kalagayan ng lalaki sa kanyang mukha ay inborn na at ang tawag sa ganitong karamdaman ay hemangioma.

Screenshot mula sa video ni Jose Hallorina

Sa loob ng 44 na taon ay dala-dala na ito ni Gary. Nagsimula rin lumabo ang kanyang paningin simula 2009.

Ang unang katanungan ni Jose sa kanya ay “Ano kaya ang magpapagitil sa’yo sa pamamalimos dito?”

Agad naman sumagot si Gary, “Hanap-buhay ho,” nais ni Gary na bigyan ng isang tindahan ang kanyang ina.

Kahit sa kanyang kalagayan ay hindi nag-isip gumawa ng hindi maganda para mabuhay. Ayon pa sa ibang netizens palagi raw ito nakikita sa labas ng jollibee at marami naman umano ang nagbibigay rito. Dati rin daw itong nagbebenta ng basahan.

Screenshot mula sa video ni Jose Hallorina

Matapos ang mahabang pag-uusap ay agad din bumili si Jose ng mga paninda sa kalapit na store. Masayang-masaya si Gary nang ibigay ito sa kanya ng vlogger na si Jose.

“Pagpalain nawa kayo ng Panginoon Diyos,” ayon kay Gary.

Nagbigay din ng mensahe si Jose na nangangarap siya na sana’y sa katulad ni Gary ay wala na mamalimos lalo na sa ganun kalagayan.

Maraming humanga na netizens din sa vlogger na ito na walang sawang tumulong lalo na sa mga tao na nasa lansangan kung saan nangangailangan ng atensyon at tulong. Ang mga vlog daw ni Jose ay isang makabuluhan kung saan nakikita ang tunay na kalagayan ng mga tao.

Loading...