Isang Ama ang napagkamalan pulubi at manghihingi ng limos, magpapadala pala ng pera sa kanyang mga anak, ikinaantig ng puso ng mga netizens

Karamihan naman sa atin ay madalas na hinuhusgahan ang panlabas na anyo, kaanyuan o kasuotan ng isang tao.

Marami rin mga tao na hindi maayos ang kasuotan o marumi ang panlabas na anyo kaya nahuhusguhan itong pulubi o masamang tao.

Gaya na lang ang senaryo na ito, isang matandang lalaki ang hinusgahan ng marami dahil lamang sa maruming kasuotan nito at kaanyuan.

Nakakalungkot rin isipin na naging masama ang tingin ng mga tao sa loob ng pawnshop sa matanda dahil inaakala na ito ay pulubi na manghihingi ng limos sa kanila.

Dahil sa naramdaman din ng matandang lalaki ang naging impreson sa kanya ng mga tao sa loob ay tumayo na lamang siya sa gilid ng sulok.

Hindi akalain ng mga taong mapang-mata at mapangutya na ang matandang lalaki pala na ito ay katulad din nila na magpapadala ng pera para sa kanyang pamilya.

Naramdaman din ng mga tao na nasa loob ang kahihiyan dahil sa kanilang maling inaakala. Ang matandang lalaki ay napag-alaman na nagsusumikap na magtrabaho upang masuportahan ang kanyang pamilya sa kabila ng kanyang edad ay nagtatrabaho pa din ito.

Sa pangyayari na ito, panigurado maraming tao ang ang natuto upang huwag maging mapanghusga at mapang-mata base lamang sa kanilang nakikita na panlabas. Sa halip ay mas pagtuunin ng pansin ang mabuting tao at kabutihan loob nito.

Wala rin karapatan ang mga tao na husgahan ang isang tao lalo na hindi nila ito kakilala o lubos na nakilala.

Loading...