Lalaki, nagpanggap na Girlfriend at nagbihis babae upang maipasa ang Entrance Exam ng kanyang nobya

‘Ang pag-ibig kapag pumasok sa puso ng sinuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang’. Ang kataga na yan ay marami pa din ang nagpapatunay lalo na kung mahal na mahal mo ang iyong kabiyak.

Isa sa nagpatunay nito sa Bansang Kazakhstan na lalaki dahil sa matinding pag-ibig niya para sa kanyang nobya sa kakaibang paraan.

Ayon sa ulat, isang dalaga na nasa 17 anyos ang nangangamba dahil sa nalalapit na exntrance exam sa kolehiyo na baka hindi niya ito maipasa. Dahil sa kagustuhan ng kagustuhan ng nobyo na matulungan ang kanyang nobya ay gumawa ito ng paraan.

Si Ayan Zhademov ay nagpanggap na girlfriend at nagbihis ito ng pambabae kung saan siya ang kukuha ng entrance exam para sa kanyang nobya.

Pagdating sa University exam, ang mga proctors ay may napansin sa ikinikilos ng isang estudyante kaya ipinatawag nila ito.

Nang makausap nila ito laking gulat sa natuklasan. Nagsuot si Ayan ng kulay itim na wig, naglagay ng make-up at nagbihis ng puting pang-itaas at nagsuot ng palda. Nagpanggap siya na kaniyang girlfriend upang matulungan ito maipasa ang entrance exam.

Ayon sa mga proctors, napansin nila na iba ang ikinikilos ng ‘babae’ at iniisip nila baka ibang babae ang nagti-take ng exam pero mas ikinagulat nila na lalaki pala ito na nakabihis pambabae lamang.

Dahil sa pandaraya na ginawa ni Ayan ay pinagbayad-sala siya sa halagang £1,400 at ang kanyang nobya naman ay naka-ban sa pagkuha ng University entrance exam at maaari lamang siya makakuha sa susunod na taon.

Gayunpaman, isang business man naman ang naantig sa ginawa ni Ayan dahil sa pagmamahal sa kaniyang girlfriend kaya siya ang nagbayad ng kalahati na bayad-sala ni Ayan.

Ayon sa business man na si Olzhas Hudaibergenov bihira lamang daw ang ganitong pag-ibig sa panahon ngayon.

May ilan netizens din na humanga sa ginawa ni Ayan ngunit mali sa pamamaraan. Ma-swerte daw ang babae dahil mayroon siyang boyfriend na gagawin ang lahat at magsakripisyo.

Loading...