Bidyo ng mga tambay, pinagtripan at sinindihan ang mga lobo na tinda ni Manong habang nagpapahinga, Manong nagkaron ng maraming paso sa katawan

Ang tindero na sa naturang bidyo ay nagkaroon ng mga paso sa kanyang katawan kung saan ang grupo ng mga kabataan ay pinagtripan sindihan ang kanyang mga lobo habang ito ay natutulog at nagpapahinga.

Sa bidyo ay makikita na biglang sumulpot ang mga bata na ito kung saan si Manong ay nasa gilid ng hagdan sa may Zamora Street, Pandacan upang magpahinga at matulog saglit.

Ang mga nasabing grupo ay nakatambay at nagku-kwentuhan ngunit sa ilang saglit ang isa ay may idinikit sa mga lobo na tinda ni manong.

Nagsimula ang sunog sa isang lobo hanggang sa ito ay magliyab na lahat. Sa ilan segundo lamang ay naglaho lahat ng tinda ni manong na lobo dahil ito ay nasunog na.

Si manong ay bigla nagising dahil sa pangyayari at tumayo sa kanyang hinihigaan. Sa kanyang pagtayo ay nakadikit ang mga nasunog na lobo sa kanyang balat kung saan nagkaroon siya ng mga paso sa katawan.

Ang kawawang tindero ay pinilit alisin ang mga nakadikit sa kanyang katawan na lobong nasunog upang maisalba ang kanyang sarili.

para lang masabeng astig sila.MGA KUPAL DI NA KAYO NAAWA SA NAG HAHANAP BUHAYPARA LANG MASABE NA GANGSTER SILA MGA KUPAL TONG MGA BATANG TO PINAGTRIPAN YUNG MATANDA NAGPAPAHINGA PARANG WALANG MGA TATAY, GRUPO NETO TINATAWAG NA TLG OR TRUE LIFE GANGSTA MGA KUPAL@zamora street pandacan manila

Posted by Alessandra Trinidad on Wednesday, 12 February 2020

Sa ginawa ng mga kabataan na ito, ang kanyang paninda ay naglaho bukod pa dito ay nakararanas ito ng mga paso at sugat sa kanyang katawan.

 

Loading...