OFW nagpanggap na delivery boy upang i-sorpresa ang kanyang mga magulang, Nanay at Tatay buhos ang luha

Ang isang OFW ay maituturing natin mga bayani dahil sa pakikipagsapalaran at pakikisalamuha sa ibang lahi at pagtatrabaho sa ibang bansa na walang kasiguruhan.

Kung ikaw ay magiging OFW dapat ay matibay ang inyong loob dahil maiiwan sa Pinas ang inyong mga mahal sa buhay.

Gaya na lamang ng isang OFW na ito na si Michael Francisco na nagpanggap bilang isang delivery boy upang i-sorpresa ang kanyang mga magulang.

Bumaba si Michael sa Trycle at binuhat ang kanyang dala na package na kunwari ay isa siya sa nagdedeliver. Una ay hindi napansin ni Nanay ang tattoo sa braso ni Michael na larawan ng kanyang ina.

Nang ibinaba na ni Michael ang dala na package ay inalis na nito ang face mask at salamin kung saan nag hello siya sa kanyang Ina. Sa una ay hindi muli napansin ng kanyang Ina na kaharap na niya ang kanyang anak na OFW dahil sa tagal na nito hindi nakakauwi.

Di kalaunan ay nakilala na niya ang kanyang anak dahil sa matagal na itong hindi nakauuwi. Isang malakas na sigaw at yakap dahil sa sabik ng kanyang Ina na mayakap siya.

Bumuhos ang luha ni Michael at ang kanyang ina pati narin ang mga manonood. Nang pumasok na si Michael sa kanilang bahay ay umiyak na din ang kanyang Ama na may karamdaman.

Nakakaiyak nagpanggap na delivery boy

NAKAKAIYAK ? OFW NAGPANGGAP NA DELIVERY BOY PARA SORPRESAHIN ANG MAGULANG | Bumuhos ang luha sa muling pagtatagpo ng isang anak at magulang matapos ang matagal na panahon na kanilang pagkawalay sa isa't isa.Credits to Michael Francisco

Posted by Paolo Duterte Supporters on Wednesday, 12 February 2020

Ang pagbuhos ng luha ng kanyang Ama ay isang nakakaantig din sa puso dahil ito ay hindi na makapagsalita ngunit ang kanyang pag-iyak ay labis na kaligayahan.

Maraming netizens naman ang naantig ang mga puso sa senaryo na ito dahil makikita ang kasabihan ng mga magulang na makita muli ang kanilang Anak sa mahabang panahon lalo na hindi nila ito nakakasama dahil ito ay nasa ibang bansa upang maitaguyod ang kanilang pamilya.

Sa mga OFW kami ay hanga sa inyong lakas at tapang na ipinapakita araw-araw lalo na sa inyong pagtatrabaho at pagtitiis para sa inyong mga mahal sa buhay.

Loading...