Andi Eigenmann, hinangaan ng mga netizens dahil sa simpleng pamumuhay sa probinsya habang kumakain ng isda, gulay at shellfish

Ang pamumuhay sa probinsya ay isa sa napakasarap na maranasan dahil sa inyong paligid ay hindi nyo na kailangan pa ng mga mamahalin materyal o pagkain.

Gaya na lamang ni Andi Eigenmann, alam naman natin na galing siya sa isang may kaya na pamilya ngunit mas pinili nito manirahan sa probinsya kasama ang kanyang asawa na si Pilmar at mga anak.

Kinalakihan ni Andi ang malaking bahay, mamahalin na gamit, magarbong bagay at pamumuhay na matatawag natin na ‘mayaman’.

Ngayon ay nag-uumpisa din mag-vlog si Andi na ibinabahagi niya sa kanyang Youtube Channel ang kanyang buhay ngayon.

Makikita na masayang masaya si Andi sa kung ano man ang mayroon siya na pamumuhay ngayon.

Maraming netizens ang humahanga kay Andi dahil sa pagmamahal ay nilisan niya ang karangyaan na buhay at pinili ang simpleng pamumuhay kasama ang kanyang pamilya.

Sa kanilang pagluluto ay gumagamit sila ng uling at hindi yung mga mamahalin na gamit. Masaya din si Andi sa kanilang salu-salo na pamilya habang kumakain ng inihaw na isda, sea shells at gulay.

Nasanay na din si Andi na kumain ng nakakamay kasama ang kanyang mga anak at sa ngayon ay nagpapagawa ng bahay si Andi sa probinsya upang manirahan na at lumayo muna sa mundo ng showbiz.

Makikita rin sa mukha ni Andi ang saya at kontento sa buhay kapiling ang kanyang pamilya.

Narito rin ang ibang mga positibong komento ng mga netizens na lubos na humahanga kay Andi.

Ayon sa ibang netizens, ito daw dapat ang maging influence sa ibang kababaihan na maging kontento sa buhay kung ano ang kayang ibigay ng asawa.

“I idolize her for showing her simple life with Pilmar and with her kids. You can see in her eyes that she’s totally contented for what she had. No keme at all, no Pabebe, no pretending, just pure natural. But, I feel so hungry the way she eats the fish. I love you ate Andi.”

“The fact that she’s living a simple and happy life makes me even prouder.”

“I love how this goes. It’s more relaxing seeing how simple she chose to be while we strive hunting for things we want even if we already have more than what we need. It’s like having an off switch to our now t0xic world,”

“Andi experiencing the contentment of the heart and the satisfying of the mind for choosing the life over luxuriuos one. Go for the one who makes you happy and in which your heart will be full.”

Loading...