‘Di bali ng single basta anak ka ng Teacher’: Anak, ibinahagi ang mga natanggap na regalo ng kanyang Ina, Viral sa socmed

Ang araw ng mga puso ay hindi lamang sa magkasintahan o mag-asawa, madalas ang mga estudyante ay binibigyan din ng regalo ang kanilang guro.

Gaya na lamang ang isang senaryo kung saan maraming netizens ang ikinatuwa ito. Isang anak ng Teacher ang nagbahagi ng larawan kung saan maraming tsokolate, stuffed toy at iba pa mula sa mga estudyante na ibinigay sa kanilang guro.

Nakilala ang netizen na ito na si Angelo Nemis kung saan ang kanyang Ina ay isang Guro. Binigyan ang kanyang Ina ng mga estudyante ng munting regalo.

Proud naman ang anak na si Angelo dahil kahit siya ay Single ay hindi naman niya inalintana na walang natanggap na regalo mula sa kanyang kasintahan.

Mas naging proud siya nang makatanggap ang kanyang Ina dahil sa huli uuwi ang kanilang Ina na dala ito at sila ang kakain.

Ang kanyang post sa kasalukuyan ay umabot na sa 14,000 reactions at 22,000 shares sa Facebook.

'Di bali ng single basta anak ka ng teacher ….. 👌

Posted by Angelo Nemis on Friday, 14 February 2020

Anya sa kanyang caption, “Di bali ng single basta anak ka ng teacher” kung saan maraming netizens ang natuwa at nagbigay ng kasiyahan sa madla.

Narito rin ang ilan komento ng mga netizens na natuwa sa kanyang post.

“Parang naging jowa ko yung anak ng teacher ko ah!”

“Hahahaha swerte ng mga anak ng teacher sila ang kakain hahahah! Happy Valentines!”

“Bro baka may mga sobra ka dyan. Tumatanggap naman ako, kahit yung pa expired na!”

“Mam para sa inyo po yan hahahah! Ito pala ang katotohanan, sa anak pala napupunta lahat hahahah!”

Loading...