Natatandaan nyo pa ba si Luningning na dating Dancer sa Wowowee? Ito na ang kanyang buhay ngayon

Kilala nyo pa ba si Luningning? Kilala ito bilang dancer noon sa programa ng Wowowee noon sa Kapamilya ABS-CBN.

Si Lea Carla Santos o mas kilalang Luningning ay nabibilang noon sa grupo ng ASF dancers kung saan mas pinasikat pa ito ni Willie Revillame na isang main host ng Wowowee.

Ang pag-split at cartwheel ang isa sa tumatak na dance moves ni Luningning. Ngunit nasaan na nga ba ngayon si Luningning? Ano na nga ba ang kanyang buhay ngayon?

Ngayon ay isa ng business woman si Lea Carla Santos na sinasabing nagmamay-ari na ng isang studio na nagngangalan na Stardanz Fitness Studio.

Ang layunin ng studio na iyo ay maging maintain ang pagiging sexy figure ng isang tao sa pamamagitan ng pagsasayaw.

Nagtuturo din sila ng iba’t ibang uri ng sayaw gaya ng Aerial Slik, Belly Dance, Kali Pole, Stilletos, Jazz Dance, Fitness Dance, Pilates at Hoops.

Naging matagumpay naman si Luningning sa kanyang buhay ngunit nananatili pa din itong single.

Sa kanyang karanasan na pagiging Dancer sa Wowowee ay naging dance entertainer din siya noon sa Japan.

Dahil sa pagsasayaw ay na maintain ni Lea ang kanyang sexy b0dy at isa rin siya napili na FHM Magazine model noong taon 2008.

Minsan talaga ang buhay ay marami kang pagdadaanan na pagsubok upang mapagtagumpayan ang kasalukuyan. Ang bawat tao din ay binibigyan ng talento upang magamit para maabot ang pangarap.

Gaya na lamang ni Lea, ginamit niya ang kanyang talento upang magtagumpay sa buhay at makapag-negosyo. Isa din itong inspirasyon na huwag tumigil mangarap at magsumikap.

Loading...