Vic Sotto at Pauleen Luna Sotto ipinasilip sa mga netizens ang kanilang mansyon sa Laguna na talagang sobrang laki at magarbo

Sa pamamagitan ng pag-post ni Pauleen Luna-Sotto, hindi siya nagdalawang isip na ipasilip ang kanilang magarbong mansyon na sobrang laki at ganda sa Laguna.

Trending sa social media ang kanilang mansyon dahil sa sobrang ganda at napakalawak. Maayos ang disenyo at maaliwalas ang paligid kaya maraming netizens ang humanga sa kanilang mansyon.

Kitang kita ang malaking dalawang palapag ng kanilang bahay na may magandang mga interior design at ang view ay talagang marerelax ka at mawawala ang pagod.

Sa kanilang paligid ng bahay ay napapalibutan ito ng mga halaman at hindi mawawala ang isang malaking swimming pool.

Ang malaking living room naman sa kanilang bahay ay makikita ang maraming art works na kanilang nabili at galing sa mga malapit na kaibigan.

Image Credit Pep.Ph

Bago maging Mrs. Sotto si Pauleen, Nagsimula siya sumali noon sa Little Miss Philippines ng 1995 kung saan una niyang makikilala pala ang kanyang magiging asawa in the future na si Bossing Vic Sotto.

Kilala naman si Bossing Vic Sotto dahil sa pagiging komedyante at maraming nagawang pelikula. Isa rin siya sa bumubuo ng noontime show na EAT BULAGA na longest running noontime show. Kasama niya rito ay sina Joey De Leon, Tito Sotto, Jose, Wally, Alden, Allan K, Ruby at marami pang iba.

Image Credit @pauleenlunasotto Instagram

Nagsimula ang pag-iibigan nilang dalawa noong nagsimula maging host si Pauleen Luna sa Eat Bulaga.

Pagdating ng 2015, kinumpirma nilang dalawa na sila ay engaged na. Kinasal sila ng 2016 Enero at noong sumapit naman ang 2017 ay binalita nila sa Eat Bulaga na sila ay magkakaroon na ng unang Anak at pinangalanan nila ito na Talitha Maria Sotto.

Hindi nila inaakala pareho na dahil sa Eat Bulaga ay mabibigyan sila ng daan para makabuo ng isang masayang pamilya dahil sa Eat Bulaga alam ng mga dabarkads na dun sila nagsimula, nagkakagustuhan hanggang sa maging isang pamilya.

Loading...