Anak, araw-araw nagti-text sa numero ng yuma0ng ama, biglang nakatanggap ng isang reply na mensahe sa hindi inaasahan

Isang babae ang nagmula sa Arkansas na nakilala bilang si Chastity Patterson,  23 taong gulang ang nakatanggap ng isang kagulat-gulat na reply galing sa numero ng Ama na yumao.

Ayon kay Chastity, araw-araw niyang tinetext ang number ng kanyang ama kahit ito ay pumanaw na upang mabigyan niya ng update ang Ama sa mga pangyayari sa kanyang buhay.

Alam ni Chastity na hindi na mababasa at makakareply ang kanyang ama ngunit ito ang madalas na niyang ginagawa ito sa loob ng apat na taon.

Isang araw, laking gulat na lang niya matapos siya magsend ng isang mahabang mensahe sa numero ng kanyang ama ay isang hindi inaasahan na mensahe ang kanyang natanggap.

 

Bago niya matanggap ang mensahe ay 4th death anniversary ng kanyang ama kaya sa kanyang mensahe ay ibinahagi nito ang mga pagsubok na kanyang nalagpasan at naranasan sa pagtatapos sa kolehiyo at paglaban sa kanser.

Narito ang nilalaman ng mensahe na kanyang tinext at natanggap na mensahe galing sa numero ng kanyang ama.

 

Ang nag-reply sa kanya ay isang naulila na ama sa anak dahil sa isang aksidente. Hindi umano mapigilan ng isang ama na nangungulila sa anak ang magreply sa mensahe.

Ayon sa pahayag, ang kanyang ama na si Jason Ligons ay hindi niya bioligical na ama kundi ito ay isang father figure kung saan ito ay ang tumitingin sa kanya noon siya ay bata pa lamang.

Napukaw naman ang atensyon at damdamin ng mga netizens tungkol sa senaryo na ito. Isang anak na nangungulila sa ama at isang ama na nangungulila sa anak.

Ang storya ni Chastity Patterson ay isa talagang nakakapukaw na atensyon dahil sa kanyang edad ay napakarami na nitong hinarap pagsubok at nakaranas ng pangungulila sa ama.

Loading...