Babaeng mayaman at maganda na nagmula sa Russia, pinakasalan ang isang ordinaryong minero at mahirap lamang, hinangaan ng madla

Madami ang nabilib sa naturang babaeng ito. Siya ay isang 22 taong gulang na ubod ng gandang dalaga mula sa bansang Russia.

Hindi maitatangging na maraming kalalakihan ang nabibihag niya dahil sa kaniyang angking ganda.

Ngunit ang babaeng ito ay mas pinili ang lalaking tunay niyang iniibig. Hindi na alintana sa kaniya kung ano ang estado ng buhay nito.

Ang dalagang ito ay kinilala bilang si Sophia na ikinasal sa isang simpleng coal miner na 28 anyos na lalakeng si Chen Jingyang mula sa bansang China.

Sila ay ikinasal sa pamamagitan lang ng simpleng seremonya. Hindi man engrado at magarbo, ang importante ay naroon pa din ang tunay naagmamahalan na suportado ng kanilang pamilya at mga kaibigan.

Sa kaalaman ng lahat, ang pagiging isang coal miner ay simpleng trabaho lamang, hindi gaanong malaki ang siasahod at sapat lang. ang lalaki daw ito ay walang ari- arian o sariling sasakyan man.

Sa tradisyon ng lahat, ang lalaki ang inaasahang bubuhay sa kaniyang sariling pamilya.

Ayon sa kaniyang asawa na si Sophia “I believe that love is the most important thing. We just need to work hard, and I’m sure that we’ll soon be able to buy a home and car.”

Sa buod ng kanilang kwentong pag ibig, si Sophia daw ay nagsimulang magkaroon ng interes sa kultura ng mga Tsino kaya naman nag aral siya sa unibersidad sa Heihe, China para mag aral ng lengguwaheng Chinese.

Nang matuto ay bumalik na siya sa kaniyang sariling bansa at doon, nakilala niya si Chen sa pamamagitan ng WeChat.

Di nagtagal ay nagkapalagayan ng loob at hindi namamalayan ang oras na kanilang ginugugol sa isa’t isa.

Bilang panliligaw, si Chen ay nakikisuyo sa kaniyang kaibigan na nakatira sa syudad upang bigyan ng bulaklak ang minamahal niyang Sophia na galing din naman sa kaniyang pera.

Hindi nagtagal ay hindi na din nakatiis si Sophia. Lumiban siya sa kaniyang trabaho upang makasama si Chen kahit na isang lingo pa lamang sila nakakapag usap sa chat.

Masaya daw si Sophia na makasama sa minahan si Chen. Dahil sa saying naramdam, si Sophia ay tumira kasama ang lalaking kaniyang minamahal. Hindi na daw alintana sa kaniya ang mga daga at palaka doon. Ang mahalaga ay kasama niya si Chen kung saan naramdaman niya ang tunay na pagmamahal.

Loading...