Mag-asawa na may inampon na bata mula Tsina, napansin nang may makitang kamukha sa kapitbahay

Ang mag-asawang si Staci at James Maneage ay napagkasunduan mag-ampon ng bata pagkatapos ng tatlong anak na lalake.

Ang mag-asawa ay nakatira sa Weldon Spring, Missouri nang may makita na bata na maaari ampunin mula sa mula sa bahay ampunan sa Tsina na nagngangalanan na Elliana.

Si Elliana ay nasa sampung taong gulang na mayroon kondisyon sa pag-iisip kaya dahil dito maraming pamilya na tumingin sa kanya na tumanggi upang siya ay ampunin.

Dahil sa kondisyon ni Elliana ay naging dahilan ito upang ampunin ng mag-asawang si Staci at James upang matulungan din ang bata kaya napagdesisyonan na ampunin na ito ng tuluyan.

Nang makuha na ng mag-asawa ang bata na kanilang aampunin, napagtanto ng mag-asawa na parang mayroon pamilyar na kamukha ang batang kanilang inampon malapit sa kanila.

Ang kanilang kapitbahay ay nag-ampon din ng isang bata galing Tsina na may pangalan na Kinley na sinasabi na kamukha ng kanilang batang inampon na si Elliana.

Si Kinley ay nasa pitong taong gulang kung saan ay may kondisyon din ito sa pag-iisip gaya na lamang kay Elliana.

Ang dalawang pamilya na umampon sa mga bata mula sa Tsina ay magkapitbahay lamang at pareho lamang ang pinupuntahan nilang simbahan.

Dahil sa magkalapit na lugar at iisang simbahan lamang ang pinupuntahan ay nagkita ang dalawang pamilya at naging magkaibigan sina Elliana at Kinley.

Kahit na galing sa dalawang lugar sa Tsina ang dalawang bata ay hindi maitatanggi ang pagkakapareha sa pisikal at hitsura nito.

Nagkaroon ng malalim na ugnayan ang dalawang bata na kung saan lalong tumaas ang kursyusidad tungkol sa dalawang bata na ito.

Ang dalawang mabuting pamilya ay napagkasunduan na ipa-DNA testing ang dalawa nilang anak na babae upang malaman ang resulta.

Dahil din iniisip ng dalawang pamilya na nakuha nila ang dalawang babae sa magkaibang lugar na ampunan sa Tsina at hindi rin iniisip na may relasyon ang dalawa ngunit dahil sa pisikal at hitsura nito ay talagang hindi maikakaila na baka sila ay magkapatid.

Nang lumabas ang DNA test ng dalawang batang babae ay ikinabigla ito ng dalawang pamilya kung saan 99.9% na magkapatid silang dalawa.

Naging masaya naman ang dalawang pamilya dahil pinagtagpo ang dalawang magkapatid na nagkalayo lalo na sa magkaibang lugar na ampunan nila ito natagpuan.

Ngunit ngayon ay nasa pangangalaga ng dalawang magulang ang dalawang magkapatid at hindi pinipigilan na hindi magkasama o magkita.

Loading...