Ama, tinuturuan ang anak sa pagtitipid kung saan ipinapaamoy ang tuyo habang kumakain ng kanin upang mapagkasya ang pagkain habang lockdown

Sa kalagitnaan ng pag iimplementa ng lockdown sa buong Luzon at iba pang parte ng Pilipinas, madaming tao ang naapektuhan lalung lalo na ang kanilang mga trabaho.

Nangangahulugan lamang na kapag walang trabaho, wala ding sapat nap era pang gastos at pambili ng pagkain sa araw araw na siyang susustento sa pangangailangan ng mga pamilya.

Habang ang ilang mga opisyal naman at mga barangay ay ginagawan na ng paraan ang pamimigay ng mga relief goods para sa bawat pamilya na kanilang nasasakupan.

Laman nito ay ang ilang kilo ng bigas, mga noodles, mangilan ngilang de lata na halata namang hindi tatagal sa isang pamilya.  Kaya naman ang mga magulang ay talagang problemado sap ag bubudget ng kanilang pera.

Ang video na kumakalat ngayon ng isang ama ay dinuduga ang kaniyang mga anak sa pamamagitan ng isang tuyo na nakasabit na kaniyang inaamoy amoy bilang kanilang ulam at saka susubo ng kanin.

Ang ama na nasambit ay nag ngangalang Alejandro Devera Garcia na siya ding nag post ng video na ito kasama ang kaniyang mga anak.

Dito ay sinusubuan niya ang mga bata ng kanin at ipinapaamoy ang tuyong nakasabit upang magsilbing ulam nila.

Hindi naman siya nagkulang sa paliwanag sa kaniyang mga anak na kailangan nilang tipirin ang kanilang pagkain hanggang sa matapos ang lockdown na ito.

“Tipid lang. Basta may kanin ok na” sabi ni Alejandro sa kaniyang post.

Tipid lang Basta may kanin ok na.

Posted by Alejandro Devera Garcia on Sunday, 22 March 2020

Maraming netizens ang naantig sa kaniyang ginawa. Ang iba ay nag aakala na ito ay simpleng joke lang. ngunit kung iyong titingnan, ito ay may malalim pang kahulugan ng mga kalagayan ng ating kapwa Pilipino sa kasalukuyan.

Loading...