Mayaman na Ama, tinuruan ng leksyon ang kanyang anak sa pamamagitan ng pagtira kasama ang mahirap na pamilya sa loob ng isang linggo

Isang binatang nag ngangalang Dante ang ipinanganak ng mayaman. Hindi na kailangang maghirap sapagkat ang kaniyang mga magulang ay may mataas na sahod at kayang kaya nilang kumain ng higit pa sa tatlong beses isang araw.

Bukod pa doon, kung gugustohin niya mang umalis ay mayroon silang magagarang sasakyan upang kaniyang madala kasama ng kanilang driver na hatid sundo siya.

Mayroon din siyang sariling sasakyan kung sakali wala ang kaniyang driver. Kung sakaling siya ay magutom, nariyan ang kanilang mga katulong upang ipagluto at hainan ito ng masasarap na pagkain.

 

Ang kaniyang ama ay galing sa hirap ng buhay. Nagsipag at nagtrabaho ng mabuti para sa kaniyang mga pangarap at makaahon sa dapang buhay noon.

Kaya naman bilang isang ama nararapat lamang na turuan ng leksyon ang kaniyang anak na si Dante. Nagdesisyon itong iparanas kay Dante ang hirap ng buhay.

Hindi sapat na mabait at may mabuting loob si Dante. Nais ng kaniyang ama na mamulat ang kaniyang mga mata sa katotohanan na nangyayari sa mga tao sa kaniyang paligid.

Dinala niya si Dante sa isang lugar na kung saan mararanasan niya ang buhay mahirap.

Doon sa lugar na iyon, pinakiusapan nila ang isang pamilya na patuluyin sila at pumayag na tumira kasama nila sa loob ng sang linggo na hindi sila ituturing espesyal.

Sinabi ng ama ni Dante “Kung ano ang pagkain ninyo iyon din ang sa amin, at kung may mga gawin dito sa bahay, huwag kayong mahiyang magsabi sa amin dahil kami ang humihingi ng pabor.”

Bago pa lumipas ang araw na iyon, nag-alok ng kaunting tulong ang ama ni Dante ngunit ito ay hindi tinanggap ng pamilyang kumupkop sa kanila.

Sa paglipas ng isang linggo na kasunduan, inalam ng ama ni Dante kung ang anak niya ay may natutunan ba. Kaya habang nagbabasa ng dyaryo ay agad niyang tinanong ang kaniyang anak.

“May mga natutunan ka ba sa pananatili natin sa bahay nina Aling Gina?”

Agad naman ding sumagot si Dante “It’s great Pa.”

Pahabol ng ama, “Nakita mo na kung gaano sila kahirap?”

Si Dante ay nag isip isip at tila may nabubuong realisasyon sa kaniyang isip saka sumagot ng;

“Well, isa lang ang aso natin at apat ang sa kanila. Sa garden natin meron tayong swimming pool, sila naman ay may sariling ilog na walang katapusan ang umaagos sa tubig.

“May mga mamahalin tayong ilaw, sila naman may mga bituin sa gabi. Mayroon tayong patio, sila mayroong walang hanggang mamamasdan ang kagandahan ng kapaligiran. Nakakabili tayo ng pagkain at sila ay nagtatanim at gumagawa ng sariling pagkain. Meron tayong mataas na bakod para protektahan tayo, sila naman ay may mabubuti at mapagmalasakit na kabitbahay at mga kaibigan upang protektahan sila.”

Laking gulat ng kaniyang ama at talaga humanga sa nagging sagot ng kaniyang anak;

“Maraming salamat Papa, dahil ipinamalas mo sa akin kung gaano tayo kahirap.”

Tunay ngang dapat mamuhay muna tayo sa hirap upang mas maintindihan ang kabuluhan ng bawat mayroon tayo.

Hindi biro ang mabuhay ng walang kakayanan. Kaya bilang nakakaangat, tayo ang dapat tumulong sa mga nasa talampakan.

Loading...