Sandamakmak na Alamang para gawin Bagoong biglang lumitaw sa dalampasigan, itinuring na grasya at ang iba ay ikinabahala

May mga bagay talaga na hindi natin inaasahan. Sa oras ng kagipitan, hindi natin alam an gating mga pag kukuhanan.

May mga oras din na hindi na natin alam ang gagawin. Tanging dasal at pag aantay na lang ang talagang iyong kakapitan.

Sa oras ng kabigatan ng buhay, hindi dapat tayo mawalan ng pag asa. Bagkus, lakasan ang loob dahil darating ang bagong umaga.

Katulad na lamang ng nag viral na post ngayong Marso 24, 2020 na kung saan makikita sa larawan ang isang tambak ng alamang na itinuring na biyaya ng Diyos sa kanila.

Makikita ang tuwa sa mga ngiti ng mga mangingisda nang makita ang mga alamang na ito.

Sa kasalukuyan, mayroon na itong 9.4k na reactions, 1.8k comments at 17k na shares na talaga namang namangha ang mga netizens.

Ang iba naman ay nangangamba kung ligtas daw ba ng mga iyon. Ngunit mas marami pa din ang nagsasabing ito ay biyayang bigay ng Diyos. Na sa kabila ng kagipitan, mayroon pa ding kasaganahan.

Narito ang ibang komento ng mga netizens:

“Oo grasya iyan. Pero simulan niyo na mag isip kung bakit nag kaganyan bigla bigla.”

“Diba pagganyan may nangyayareng di maganda sa kalikasan? Or may something na magagnap? Keep safe parin everyone”

“Ang dami kong nababasa na pangit daw yan pangitain ika nga nila, but always look on the positive side dahil crisis ngayon blessing yan para may makain but mag-iingat parin po. Thank you Lord!”

Loading...