Serena Dalrymple, masaya at matagumpay ang buhay sa New York kasama ng kaniyang foreigner na boyfriend

Kilala niyo pa ba si Serena Dalrymple? Matagal na siyang wala sa mundo ng showbiz ngunit hindi doon natapos ang kaniyang magandang buhay.

Bukod pa doon ay patuloy pa din ang paghanga sa kaniya ng mga taong sumusubaybay sa kaniyang buhay.

Balikan muna natin ang kaniyang mga nagging proyekto noon na simpleng bata pa lamang.

Taong 1998 nang sumikat ang batang aktres na ito dahil sa kaniyang linya sa Jollibee Commercial na kung saan ito ang kaniyang sinabi ’’ Isa pa. Isa pang Chicken Joy!”. Siya isang bibo at aktibo kaya naman nagpatuloy ang kaniyang mga proyekto at ginampanan.

Siya ay naging parte ng Star Magic mula 1998 hanggang 2004. Madami na siyang nagawang pelikula sa kabila ng kaniyang murang edad.

“Haba-baba-doo Puti-puti poo” ang isa sa kaniyang ginanapan na talagang itinuring ng masa bilang blockbuster hit.

Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, mas minabuti ni Serena na huminto muna sa ag aartista upang mapag tuonan ng pansin ang kaniyang pag aaral.

Export Management sa De La Salle-College of St. Benilde ang kaniyang kinuhang kurso. Bukod pa doon, kumuha din siya ng Masteral Degree sa Hult’s International Business School sa London.

Hindi man niya naipagpatuloy ang karera bilang artista, siya naman ngayon ay isang ganap na manager sa Center of Excellence sa Viacom sa New York.

Bukod sa magandang trabaho nito, makikitang masayang masaya siya kasama ang kaniyang foreigner na boyfriend.

Ayon sa mga netizens, ang boyfriend niya daw na ito ay tila pang Prince Charming sa sobrang gwapo.

Sa kasalukuyan, mayroon daw ginagawa si Serena sa bansang New York na kung saan maipagmamalaki ng mga Pilipino.

 

Loading...