Lalaki na bumili ng second hand na sasakyan nadiskubre ang isang bag sa gilid ng pinto na may napakaraming pera na hindi inaasahan

Madalas ang iba tao ay hindi kayang bumili ng brand new na sasakyan kaya ang kanilang ginagawa ay kung saan aabot ang kanilang budget upang makabili ng sasakyan para magamit sa araw-araw.

Gaya na lamang ng lalaki na ito na nakabili ng second hand na sasakyan na tila siya ay naka-jackpot matapos matagpuan ang limpak-limpak na salapi sa loob ng kanyang kotse.

Matapos mabili ang sasakyan, isang araw ay bigla na lamang hindi gumana ang power window. Bago niya dalahin ito sa mekaniko ay sinubukan niya muna itong tignan at hanapin ang problema.

Kinalas ang door panel at saka dahan-dahan tinanggal ang plastic liner na naka-protekta sa loob ng kanyang pinto.

Laking gulat naman nang may makita siya isang misteryosong bag na kulay itim na naka-siksik sa gilid ng kanyang door frame at iniisip niya ito ang dahilan kung bakit ayaw gumana ng power window.

Bigla siyang kinabahan sa nadiskubre at binuksan ito. Matapos niya mailabas ng buo ang bag ay inilabas na din nya ang mga laman nito at tila balot na balot pa ng duct tape.

Nang kanyang buksan ay laking gulat niya na limpak-limpak na salapi ang laman ng bag na itim. Ang bawat laman ng bundles ay may iba’t ibang halaga ng pera.

Hindi rin binanggit ang sumatotal ng kanyang natagpuan upang sa kanyang seguridad. Ngunit ang kanyang tinitiyak ay nagkakahalaga ito ng malaki kung ibabase sa denominasyon sa $20 at $10 bills.

Ang kanyang natagpuan na pera ay kahina-hinala dahil galing ito sa police-confiscated vehicle. Pinili na rin ng lalaki na hindi na makilala pa.

Loading...