Huling mensahe sa Facebook post ng isang Pilipinong Doctor na kasama sa nag-crash na eroplano, viral sa socmed

Nitong March 29, 2020 ay ginulat ang publiko matapos mabalitaan na may nag-crash na eroplano dahil sa pagkakaroon ng technical problem habang naghahanda itong mag-take off sa Runway 06/24 sa nasabing airport.

Ang eroplano na ito ay patungo sana sa Tokyo, Japan. Nitong Marso 29, 2020 alas otso ng gabi ay naganap ang hindi inaasahan na pangyayari sa Ninoy Aquino International Airport.

Walong tao ang napabalita na pumanaw sa nasabing aksidente na sakay. Isa sa namatay sa naturang pangyayari na ito ay ang Pilipinong Doktor na si Dr. Cenover Nicandro ‘Nicko’ Bautista.

 

Sa isang Facebook post, kinumpirma ng Presidente ng PLM o Pamantasan sa Lungsod ng Maynila ang hindi magandang balita na ikinalungkot ng marami na siyang ikinalungkot din nila dahil sa kasamahan nila na napasama sa nangyaring aksidente.

Isa sa nagbigay ng pahayag ang kapatid ni Dr. Nicko na si Ria Bautista. Ayon sa kay Ria, masyadong ikinabigla ito ng kanilang pamilya sa nangyari sa kanilang kapatid.

Gayunpaman, binigyan ng pugay ang kanyang kapatid sa pagiging magiting nito, pagmamalasakit sa kapwa at pagganap sa kanyang tungkulin sa kabila ng banta sa kanyang kalusugan.

Ngunit mas marami rin ang nakaagaw ng atensyon sa screenshot ng huling post ni Dr. Nicko na animoy nagpapahiwatig sa huling post.

Sa pagbuod ng post ni Dr. Nicko ay ipinagdadasal niya na matapos na ang lahat ng ito (patungkol sa C0VID-19). Binanggit din niya ang kanyang mga pamilya. May nararamdaman umano itong takot ngunit nagbiro pa ang Doktor na aayusin muna niya ang kanyang buhok.

Rest in peace Doc. at sa inyong mga kasama sa pangyayaring ito. Kayo ang mga bayani na dapat bigyan ng pagpupugay.

Loading...