Ipanggagastos sana sa 1st birthday ng anak, Ibinili na lang ng relief goods upang ipamigay sa mga tricycle drivers, padyak at basurero

Hindi na talaga maiiwasan ng ibang Pinoy ang likas na pagiging matulungin sa kapwa lalo na sa panahon ng kalamidad gaya na lamang sa nangyayari ngayon sa ating bansa maging buong bansa.

Hinangaan ngayon sa social media ang pagtulong ng mag-asawa kung saan ang pera sana nilang gagamitin sa selebrasyon sa unang kaarawan ng kanilang anak ay ipinambili na lamang ng relief goods.

Ayon sa News5, Sa Marso 31, 2020 ang unang kaarawan ng bunso nilang anak ngunit dahil sa banta ng c0vid-19, pinagdesisyunan ng mag-asawang sina Mark Anthony at Janisa sa Maguindanao na mamigay na lamang ng relief goods lalo na sa hirap ng nararanasan ngayon.

Ang pera na kanilang naitabi para sa children’s party sana ng kanilang anak ay ginamit na lamang nila sa magandang paraan at makatulong na din sa kanilang kapwa.

Ibinili nila ito ng mga pagkain at ipinamahagi sa kanilang lugar. Ang nasabing relief goods ay ipamimigay sa mga tricycle drivers, padyak at nangongolekta ng basura sa kanilang lugar sa Cotabato City, Maguindano.

Ang mga kanyang ipinamigay ay gaya na lamang ng sardinas, bigas at mga noodles kung saan malaking tulong ito upang makaraos sa araw-araw lalo na ngayon krisis.

Ayon pa sa mag-asawa, hindi ganoon ang kanilang napamili ngunit para sa kanila ay sapat na iyon upang makatulong sa kanilang kababayan na gipit at kapos ngayon.

Bumuhos ng papuri ang mga netizens para sa mag-asawa na ito na may mabuting loob at pagmamalasakit sa kapwa. Dahil sa ganoon halaga ay nakatulong sila sa kanilang kapwa na magkaroon ng imbak na pagkain lalo na ngayon krisis.

Loading...