Lola, namataang nagtitinda sa Divisoria kahit walang tao ang kadahilanan at katotohanan ay siyang nagpalungkot sa marami

Sa lahat ng nangyayari sa mundong ito, lahat ng komplikasyon at dapat ayusin, naaayos ba talaga? Bakit kaya patuloy ang pagbaba ng ating bansa.

Sino ba ang problema? Ang mamamayan o ang namamahala? Ngunit sa ganitong pagkakataon, nararapat laang na tayo ay magtuungan at sabay sabay makaahon.

Sa kabila ng kagipitan, bakit may mga tao pa ding mapagsamatala sa kahinaan ng iba? Isang larawan ang dumurog sa puso nang marami nang ipost ito ng isang netizen na si Ryuu L. Soulshin.

Ikinuwento niyang naghahanap siya ng mga panahon na yon ng ATM Machine. Habang sakay ng kaniyang bike, nakita niya ang isang matandang babae na ito.

Nagtaka naman siya pagkat walang kahit isang tao sa Divisoria noon. Tinanong niya daw ito kung bakit siya naroon. Narito ang sagot ng Lola.

“Kaylangan ko mag benta para may pang bili kami ng pag kain. Mahirap umasa sa relief goods kasi kahit anung mabuting gawin ni mayor isko may mga tauhan sa brgy na mapang samantala” 


Maging si Ryuu ay nagulat at tila ba naging mulat ang mata sa paligid at hindi alam ang sasabihin. Makikitang sa section comment ay sinabi niyang binalikan niya ang Lola ngunit wala na iyon doon at nangakong hahanapin siya kinabukasan marahil upang magbigay ng tulong.

”Nung bumalik ako wala na sya pero hahanapin ko sya bukas. Para kahit papaano ay makatulong kay lola.”

Narito naman ang sambit ng isa pang netizen na si Ian Chavez na nag kumento din sa post

”Totoo po na sa manila may ilang barangay na sinusugapa yung relief goods…hindi lang makapagsumbong kasi di alam kanino lalapit..yung mapagkakatiwalaan.”

Loading...