Viral na ama na naglakad mula Bulacan hanggang Bicol upang mapuntahan ang anak na may sakit, inabutan ang kanyang anak na wala nang buhay

Ang isang ama ay para ding isang ina parehong may responsibilidad sa kanilang mga anak.

Ang pagmamahal ng magulang ay tunay at busilak. Gagawin ang lahat para sa kanilang mga anak. Hindi maatim na makitang nahihirapan ang kanilang sariling bunga.

Nitong mga nakaraan lamang ng idineklara ang lockdown dahil sa kumakalat na sakit sa ating bansa maging sa ibang bansa.

Dahil hindi biro ang pagkalat nito. Maaaring isang iglap lang ay madapuan ka ng sakit na ito depende sa iyong tao nakakasalamuha sa pang araw araw. Lahat ay naapektuhan maging ang mga pampasaherong sasakyan.


Ang isang ama na si Joven OpeƱa, na nangahas maglakad sa kahabaan ng Bulacan hanggang Bicol makita at makasama lamang ang kaniyang anak na may malubhang sakit at kinakailangang operahan.

Ang anak ng amang ito ay napag alamang may sakit na gastroenteritis. Hindi na siya naibalik sa ospital upang maoperahan.

Sa kabilang banda, sa oras ng kagipitan mayroon at mayroong taong darating upang tulungan tayo.

Ang mga ganitong klase ng tao ay sadyang hulog ng langit. Si Joven ay tinulungan ng isang rider upang mas mapabilis ang kaniyang paglalakbay sa Bicol patungo sa anak.
Kadahilanan galing si Joven sa Maynila, kinakailangang sumunod sa patakaran na kung saan sasailalim muna siya sa 14 day quarantine. Dahil dito, hindi niya kaagad napuntahan ang kaniyang anak sa ospital.


Hindi pa nag tatagal ang kaniyang quarantine, isang araw pa lamang ang ginugugol niya sa dito nang isang napakasakit na pangyayari nang malaman ni Joven na binawian na pala ng buhay ang kaniyang anak.

Labis ang kalungkutan at sakit na nararamdaman ng amang si Joven na ginawa ang lahat upang makauwi ngunit mukhang ganon yata talaga ang tadhana.

Ganon pa man, nagpapasalamat siya sa lahat ng mga nagpaabot ng tulong sa kaniyang anak. Hindi na sinukat kung ito ay malaki o maliit. Taos puso niyang ipinagpapasalamat it sa inyo at higit sa lahat sa Diyos.

Loading...