Matandang tindero na may karamdaman, hindi nakabili ng kanyang gamot dahil sa pekeng pera na ibinayad sa kanya

Sa gitna ng kahirapan, bakit patuloy na may nang aapi at nanlalamang imbis na tulungan ang mga nasa laylayan?

Mga taong mapang abuso sa kahinaan ng ibang tao. Ang pagiging mandurugas ay walang pinagkaiba sa magnanakaw. Bawat tao sa mundo ay may sari- sariling karapatan na dapat nating irespeto.

Isang kaawa-awang tindero ang nanlumo at naluha dahil sa kaniyang dinanas ng araw na iyon. Sobrang nasaktan at walang nagawa.

Mula sa Nepali News, isang matandang lalaki na hindi napangalanan na nagmula sa West Sumatra na walang kamalay malay na binayaran pala siya ng isang customer ng pekeng pera.

Ang pera sana na kaniyang kikitain ay gagamitin niya para maipambili ng gamot dahil siya ay may sakit na asthma.

Nang naroon na siya sa pinaka malapit na pharmacy ay doon niya lamang natuklasan na ang perang kaniyang hawak hawak ay peke pala.

Kaya naman, hindi ito tinanggap ng kahera. Dahil sa pangyayaring iyon ay walang nagawa ang matandang lalaki at tuluyan na lang siyang umalis habang tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata.

Mayroon namang Ig post mula sa Makassar Info na nagsasabing ang matandang nasabi ay nagsusumikap talagang mag benta ng mga gulay upang matustusan ang sariling pangangailangan lalung lalo na para sa kaniyang mga gamot.

Bukod pa dito ay may iniinda din siyang diperensya sa kaniyang mata kaya naman mahirap sa kaniyang matuklas kung ang pera ay totoo o hinde.

Ang binayad sa kaniya ay ang pekeng Rp 50,000 na Indonesian Currency. Ayon sa matanda, kaparehong kapareho daw kasi talaga nito ang tunay na kulay maging ang sukat ng pera.

Loading...