Netizen, nagbenta ng bahay sa halagang 40 milyon pesos para makabili ng bigas at relief goods para ipamahagi sa mga nangangailangan

Usap-usapan ang pangalan na Francis Marcos kung saan ito ay hindi Mayor, hindi kapitan at higit sa lahat ay walang katungkulan sa gobyerno.

Siya ay isang ordinaryong mamamayan Pilipino na kung saan ay nagmamalasakit sa mga nararanasan ngayon ng sambayanan lalo na ang mga mahihirap at kusang nagsisilbi sa mga mahihirap.

Sa kasalukuyan naka-Enhanced Community Quarantine ang Pilipinas ay marami sa atin ang mga nangangailangan ng tulong lalo na sa mga pamilya na pansamantalang walang kinikita dahil sa lockdown ang mga lugar.

Lalo na sa mga araw-araw na nagtatrabaho kung saan no-work no-pay ay isang malaking pagsubok dahil wala silang ibang maaasahan kundi ang ating gobyerno.

Ngunit isang netizen ang matunog ang pangalan ngayon dahil ito ay kusang tumutulong sa mga apektadong pamilya kung saan nagbenta pa ito umano ng bahay sa halagang 40 milyon pesos para makabili ng bigas at mga pagkain na ipapamahagi sa bawat tahanan na ngangailangan.

Sa kanyang video na iniupload ay may dalawang malaking truck na puro kaban ng bigas ang laman na kanyang ipapamahagi sa mga nangangailangan.

Ayon pa sa kanyang video na sinasabi ay, “Are you willing to sacrifice something on your behalf?” o sa tagalog , “Handa ka bang magsakripisyo para sa kapwa mo?”

Ang kabuuan halaga na kanyang ipinamili na kaban-kaban na bigas at mga relief goods ay halos nasa 49 milyon pesos kung saan mas tumatak pa sa mga netizens na nakapanood sa kanyang sinabi na ”Wala akong pakialam kung maghirap ako.”

Sa ginawang kabutihan loob ni Francis Marcos ay maraming tao ang nagbigay sa kanya ng komento kung saan hinangaan ito ng marami.

Maraming mga sambayanan Pilipino din ang humihingi sa kanya ng tulong lalo na sa mga hindi naabutan ng relief goods.

Ayon sa netizen na si Francis Leo Marcos, para sa kanya ay aanhin mo ang yaman mo, eh hindi mo naman iyan madadala sa langit.

Loading...