Mangingisda na naglalakad sa dalampasigan, natagpuan ang isang Php26 Milyon na halaga na niluwa ng Balyena

Minsan ang ikot ng mundo ay talagang magbabago ng hindi mo inaasahan. Magugulat ka na lang sa isang biyaya na darating sa buhay mo na hindi mo inaasahan. Gaya na lamang ng isang senaryo na ito na inyong matutunghayan.

Kinilala ang mangingisda na si Jumrus Thiachot, 55-anyos na nakakita ng balyena sa gilid ng dalampasigan sa lugar ng Thailand. Walang kaalam-alam ang mangingisda na ang kanyang matatagpuan ay siyang makakapagbago ng kanilang buhay.

Sa araw-araw ay maraming biyaya tayo na natatanggap na dapat natin ipagpasalamat maliit man o malaki.

Gaya na lamang ng mangingisda na si Jumrus. Sino nga ba ang mag-aakala na ang kanyang natagpuan ay nagkakahalaga ng mahigit 26 milyon piso.

Ang nasabing balyena na kanyang natagpuan ay sumuka ng “Ambergis” kung tawagin na tumataginting ang halaga.

Ano nga ba ang Ambergis para sa kaalaman ng iba? Ang ambergis ay isang mamahalin na parang bato kung saan ginagamit ito para makagawa ng pabango.

Isa na rito ang brand ng mga perfumes na Chanel na gumagamit ng ambergis sa kanilang produkto upang mapanatili ang pagiging mabango.

Ang ambergis ay isang uri ng kalamnan ng balyena kung saan tinutunaw nito ang bawat pagkain na kanyang kinakain.

Madalas ito makikita sa dalampasigan matapos maisuka ng balyena. Ang Surat Thani provincial Governor na si Witchawuth Jinto ay sinabi na nasa 80% na ambergis ang natangpuan ni Jumrus.

Pinaalalahanan naman nila si Jumrus na pag-isipan mabuti ang bagay na kanyang nakita dahil ito ay malaking halaga na dapat din ay gamitin sa maayos at pag-ingatan upang mabago ang kanyang buhay at ng kanilang pamilya.

Maaari ninyo i-Google kung ano ang ambergis upang may sapat na kaalaman baka hindi ninyo namamalayan na ang inyong nakikita pala ay maaari makapagpabago ng inyong buhay.

Loading...