Ilan residente, nagreklamo at ayaw tanggapin ang bigas na ipinamahagi dahil sa kulay dilaw na daw ang kulay nito

Ilang buwan nang umiiral ang enhanced community quarantine simula nang pumutok at kumalat ang virus na nakamamatay.

Sagad sagaran nang ginagawan ng paraan ng gobyerno at local na pamahalaan ang mga posibleng solusyon upang mapanatiling ligtas at malusog ang mga nasasakupan nito.

Ang iba ay sumusunod, ang iba naman ay nag mamatigas. Pera at pagkain ay pareho nang ipinapamahagi. Ngunit ang iba ay nakukuha pa ding mag reklamo kaysa magpasalamat.

Sa pamimigay ng relief goods, galing man sa gobyero o sa mga taong may busilak na puso, hindi mawawala diyan ang bigas na kung saan talagang nasa unahan ng listahan. Dahil sa totoo lang, ito ay ang nag bibigay kabusugan sa mga Pilipino kahit na walang kapares na ulam ito.

Ngunit sa isang videong nag viral mula sa uploader na si Marikit Alvaran, makikita na sa Barangay Poblacion sa Baliwag, Bulacan, mayroong isang residenteng nag sasauli ng bigas na ibinigay umano sa kanila ng kapitan pagkat ito daw ay madilaw.

Sagot sa kaniya ng representative ng barangay, “isaing muna ang bigas” pumayag naman ang babae at umuwi sa kanila upang isaing ang madilaw na bigas saka babaik sa barangay upang magkaalaman.

Hindi lamang iyon, may isa pang video na nagpapakita na ang mga residente ay kaniya kaniyang naglalagay sa sako ng mga supot- supot na bigay at may nagsalita pa na “ang aso ko maselan, ayaw niyan”.

Sinalaysay naman ni Marikit, ayon daw sa kanilang Kapitan Hepe na si Alvaran, ang bigas dawn a iyon ay sariling ani at hindi inangkat sa ibang bansa. Kaya kaiba daw talaga ang kulay na ito kaysa sa maputing bigas na karaniwang nabibili.

Katulad ng sinabi ng representative ng barangay, isang muna daw ang bigas pagkat sila mismo ang unang tumikim at kumain ng kanin na ito bago ipamahagi sa buong nasasakupan.

Bilang patotoo ng isang residente mula sa barangay na ito na si Dennis Santos, ayos naman daw ang bigas kapag ito ay isinaing. Sa katunayan, mabango pa nga daw ito at masarap.

Hindi ba’t mas ayos nga ang ginawa ng Kapitan Hepe na ito? muli nating lingunin at tangkilikin ang sariling atin. At lalong hindi tayo dapat maging mapili lalo na ngayong krisis na ganito. Umaasa na lang tayo sa pabigay bigay kaya ang nararapat na ibalik ay pasasalamat at hindi pagrereklamo.

Source: Facebook

Loading...