Isang bateryang kayang tumagal ng 400 years,hindi inaasahang madiskubre ng isang estudyante

Iba din talaga ang nagagawa ng may angking talino. Mapalad ang mga taong higit pa sa kaalaman ng lahat ang kanilang kaya pang pag aralan. Ang matatalinong tao ay may iba’t ibang kakayanan at abilidad sa mga bagay bagay.

Sabi nila, ang Science daw ay kayang ipaliwanag ang lahat. Lahat ng mga bagay at pangyayari ay mayroong paliwanag.

Ngunit hindi ito basta basta natutukoy pagkat kinakailangan pa nitong dumaan sa mga eksperimento at ilang pag susuri. Sa pamamagitan nito, mas malalaman ang mas malalim pang dahilan.

Sa University of California, Irvine ay may nag ngangalang Mya Le Thai na kasalukuyan noong kumukuha ng doctoral degree. Siya ay nasa isang laboratory noon ng bigla niyang madiskubre ang baterya na kung saan may kakayanang tumagal ng 400 years!

Ang pangkaraniwang rechargeable battery ay may kakayanan lamang umikot sa 300 hanggang 500 at tatagal lamang sa loob ng isang taon.

Naisipan niyang galawin at suriin ang nakita niyang rechargeable battery. Laking gulat niya nang napag alaman niya na ang rechargeable battery na ito ay umabot ng 200,000 cycle. Sa tinatawag na nanowire na sumusuporta sa baterya niya nakita ang posibilidad na ito.

Madaming pagsusuri ang ginawa nila katulad na lamang ng “coating set ng gold nanowires in manganese dioxide” at “Plexiglass-like electrolyte gel” dito niya nalamang hindi lang 400 years kung hindi pati na din panghabang buhay ang kayang itagal nito.
Dahil dito, tumagal ng 3 buwan ang kaniyang pagsusuri at eksperimento na umabot na sa 200,000 cycles. Napag alaman nila na kapag ang laptop batteries ay naging gawa sa bateryang kanilang nadiskubre, makakaya nitong tumagal ng 400 years.

Patuloy pa din ang pagsusuri ng mga eksperto ukol dito sa oras na mapatunayan ang lahat, doon nila malalaman kung sa magkanong presyo nila ito mapag kakakitaan.

Loading...