Lalaki, nag-viral matapos makatanggap ng kakaibang ayuda na nagbigay aliw sa netizens

Dahil sa nagaganap na enhanced community quarantine, an gating mga bayarin ay nag patong patong na. bagaman binibigyan ito ng palugid at ipinag papaliban ng pansamantala, panigurado pagkatapos ng ECQ ay babaha naman ng mga bills ng kuryente, tubig, renta, internet at iba pang gastusin.

Gayun pa man, ipinatupad naman ang mga payment extension sa mga establisimyento at negosyo sa buong bansa. Hirap din ang mga Pilipino at gipit sa pera pagkat marami ang nawalan ng trabaho at hindi nakapag ipon.

Madami ang nangangamba sa mga mangyayari pagkatapos ng enhaced community wuarantine pagkat ipapatupad na ang New Normal. Ang iba ay patuloy ang pamomoroblema sa perang panggastos lalo na ngayon at mag papasukan na naman.

Sa kabila ng isang seryosong problema, nag bigay aliw naman sa social media ang isang netizen na si JL Delossantos na kung saan makikita na ipinost niya ang isang larawan na kasama ang staff ng MERALCO na naghatid sa kaniya ng bill ng kanilang bahay at itinuring niya itong ayuda na kung saan matatanggap din ng lahat.

Sabi niya, ’’ Maraming salamat po sa bigay niyong ayuda.. Wag pong mag alala kahit di nakalista mag kakaron ng ganto bawat bahay! #Meralco’’

Umabot naman ng 17k reactions, 1.2k comments at 47k shares ang post niya na ito. tila madami na ang kinakabahan sa parating na ayuda na ito.

Maraming salamat po sa bigay niyong ayuda.. Wag pong mag alala kahit di nakalista mag kakaron ng ganto bawat bahay! #Meralco

Posted by JL Delossantos on Saturday, 2 May 2020

Loading...