Mga kilalang personalidad, patuloy pa din ang pamumuhay sa isang simpleng buhay kahit marangya na ang pamumuhay

Manny Pacquiao

Kilala si Manny Pacquiao bilang isang boxing champ at Senator. May kakayanang kumite ng million dollars sa pamamagitan ng pag boboxing.

Kasabay ng kaniyang pag angat sa buhay, naging matalino siya sa paghahawak ng kaniyang pera. Siya ay nag invest at nagtayo ng iba’t ibang negosyo sa buong mundo.

Minsan ay makikita din siya sa TV kung siya ay kakapanayamin bilang isang politician. Sa kabila ng mga tagumpay, hindi pa din niya nakakalimutan ang tunay na Manny na lumaki sa isang mahirap na buhay. Ginagawa niya pa din ang pag kakamay sa tuwing kumakain.

Wally Bayola

Si Wally ay kilala bilang isang comedian host sa Kapuso noontime show na Eat Bulaga. Minsan din ay nag guguest siya sa ilang TV Shows ng GMA- 7. Sa kabila ng kasikatan, nagagawa niya pa ding maglinis ng taguling at harap ng kaniyang bahay gamit ang ting ting ng siya lang mag isa at hindi na iniuutos pa

Solenn Heussaff

Ang Kapuso star actress na ito ay isa din sa mga paboritong magazine cover at bituin sa GMA- 7 shows. Sa kabila ng mga papering natatanggap, mas pinipili niyang magluto na lang sa bahay kaysa kumain at magpakitang gilas sa mga mamahaling restaurant.

Lovi Poe

Isang tinatanging Kapuso actress na napatunayan ang kaniyang sarili at nakilala bukod sa pagiging anak ng tinaguriang action king Fernando Poe Jr kay Rowena Moran. May pangalan mang pinanghahawakan, nagagawa niya pa ding kumilos at mamili ng mga sarili niyang pangangailangan sa grocery.

Iya Villania

Siya ay TV Host at asawa ng sikat na travel host sa GMA- 7 na si Drew Arellano. Pinagpala man ang kaniyang karera at abala oras- oras pero nagagawan niya pa din ng paraan ang pagiging hands- on mommy sa dalawa nilang anak.

Gardo Versoza

Siya ay sikat na sikat na sexy actor noong 90’s. siya pa din naman ay nag niningning sa mga TV Shows at ilang pelikula, patuloy man ang kaniyang pag angat, naroon pa din ang kababaang loob na pag tulong sa mga charity works. Sa katunayan, siya mismo ang nagluluto ng mga pagkaing kaniyang ipinamimigay.

Ryan Agoncillo

Asawa ni Judy Ann Santos at isa sa mga hosts ng Eat Bulaga. Maaaring nagiging busy siya sa kaniyang trabaho ngunit hindi pa din niya pinababayaan ang kaniyang pagiging hands- on father. Patuloy niya pa ding ginagampanan ang kaniyang pagiging padre de pamilya kagaya na lang ng isang video na kung saan makikita na si Ryan ay inaayos ang bumbulya ng kanilang tahanan.

Will Dasovich

Isang Fil-Am vlogger na kilala dahil sa kaniyang pagiging pusong pinoy. Sa kabila ng pagiging sikat at maraming taga hanga, nananatili ang kaniyang pagpapakumbaba.kilala siya sa pagiging adventurous at sinubukang languyin ang Paig River at Baseco Beach kasama ng mga kapwa Pilipino na nakatira malapit dito.

Loading...