Isang kagawad ang nakulong matapos kurakutin ang tulong para sa mga mahihirap at nangangailangan

Isang kagawad ang inaresto ng mga otoridad dahil sa ginagawang anumalya nito sa kanyang tungkulin. Nahuli ang isang kagawad dahil sa kanyang pangungurakot o pagkuha ng pera na dapat ay tulong mula sa gobyerno para sa mga kababayan natin na ngangailangan ng tulong ngayon panahon ng krisis dahil sa C0VID-19.

Sa isang video na makikkita sa post sa isang social media kita ang kagawad dito na hinahati hati ang tulong mula sa gobyerno sa kanyang kabaranggay.

Ngunit imbis na Php6,500 bawat pamilya ay ginawa nitong Php3,000 lamang at ang naturang sobra ay mapapapunta sa kanyang bulsa.

Matapos kumalat at mapanood ang naturang video, Nagpaliwanag naman ang kagawad na kaya niya hinati ang dapat kaukulan na ibigay ay para ibigay sa kanilang Mayor na si Raulito Manlapaz ang matitira para ipamigay sa mga hindi pa nakakakuha ng SAP na tulong mula sa DSWD.

Mariing naman itinanggi ng Mayor na sa kanya ibinibigay ang sobra at ang natirang pera ng kagawad.

Sa ngayon ay nakakulong ang kagawad at ito ay nasa pangangalaga ng Hagonoy Municipal Police Station (MPS) at kasalakuyang humaharap siya sa kasong Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Dahil sa pangyayari ito, sa isang public adress nung huwebes May 4,2020 ng ating mahal na Presidente Rodrigo Duterte. Binanggit niya ang ginagawang mali ng kagawad at hindi siya nakaligtas sa masasakit na salita ng ating Presidente.

Pahayag ng ating Presidente Duterte:

“Sinabi ko sainyo noon, ” huwag sa panahong ito.” Mayroon mga… wala akong na- I have – basta local goverment employees. Lahat naman tayo workers eh. Diretsuhin na natin, local goverment workers. I do not want to – to mention titles here. Mayroon sinabi ko sa inyo. “huwag ninyo – do not…”Lang kay..Good boy ako ngayon. Hindi ako magmura. Sinabi ko na sa inyo na kung may gawain kayo, huwag sa panahong ito.

“Iyong mga mayors naman. kundly- kindly look into the people that you have commissioned to do the distribution sa pera.

“Kagaya nitong Barangay Kagawad Danilo Flores ng Agustin, Hagonoy Bulacan. Ang p*****i** mo, nakuha ka pa ng television na may ano doon grab o it`s not grab – it`s a – actually a.. Nakuha ka ng hinihingi mo.. susmaryosep. Mahirap na nga, ikaw may trabaho kana, kagawad ka, ang p*****i** kukunin mo pa ‘yung pera ng mahihirap.

“I`d like to presume that you were elected because your constituents find you to be a man of integrity, honesty, and that you can perform”.

Loading...