Lalaki na bumibili sa ukay-ukay, nakakuha ng wallet na may laman na limpak-limpak na salapi sa damit na nabili

Ano nga kaya ang magiging reaksyon mo o ano ang gagawin ko kung sakaling sa hindi inaasahang pagkakataon ay makapulot ka ng isang pitaka ng punong-puno ng pera?

Tulad ng isang negosyante na ito na nagngangalang Wan Mohamad Adam Wan Mohamed na taga Kampung Tualang Salak, Kelantan, Malaysiya.

Siya ay isang may ari ng clothing store habang siya ay namimili ng mga used clothes para muling ibenta sa kaniyang store ay dumating sa kaniya ang suwerte.

 

Sa kaniyang pamimili ng mga bundle-bundle na damit ay gumastos siya ng halagang $24 o Php 1,200.

Sa kaniyang mga pinamili ay may hindi inaasahang nakaipit palang pitaka na punong-puno ng pera na nagkakahalaga ng 450,000 yen na may katumabas na $ 4150.

Dahil sa nakuha niyang pera nais niyang mas palakihin at palaguin ang kanyang negosyo at ng sa gayon ay mas lumaki pa ang kaniyang kita para makapag ipon siya sa kaniyang pagtanda.

 

Marami naman na mga netizens ang nagbigay ng iba`t-ibang komento at reaksyon.

Ang iba ay nagsasabi na hanapin ang may-ari nito at ibalik dahil baka kailangang-kailangan ito ng may-ari at ang iba naman ang nagsasabi na napakaswerte nito at may dumating na biyaya sa kaniyang kapalaran.

Totoo nga na hindi natin alam kung kailan darating satin ang swerte tulad na lamang nitong si Mohamad hindi mo naman talaga maiisip na makakuha ka ng ganitong biyaya sa kaniyang pamimili lamang ay may nakabadyang swerte pala.

Samantala, Ang kanyang ukay-ukay store na maraming nagsasabi na marumi at mabaho daw ngunit kapaki-pakinabang naman daw ang mga mabibili mo rito dahil ang halos lahat niyang binebenta ay signature at branded na gamit tulad ng mga bag, sapatos at damit.

Kaya naman huwag mamaliitin ang mga simple at maliliit na ukay-ukay store.