“Lumang aparador” sa isang apartment na nababalutan ng misteryo, ikinagulat ng isang dalagang boarder sa natuklasan

Tumingin-tingin si Sheryl sa paligid niya habang sinasabi ng kasera ang usapan sa apartment. “Ganito ang usapan One month deposit, one month advance, Kasama na ang upa sa tubig, pero pag dating sa kuryente, ikaw na ang bahala”.

Nakita niya na Bungalow type ang paupahan at katamtaman ang laki, may dalawang silid, palikuran, sala at kusina, ang upa ay nagkakahalaga ng 3,000 piso kada buwan at bukod pa ang hinihingi ng kasera na one month advance at one month deposit.

“Okay sige po Kukunin ko na po” Sambit ni Sheryl sa kasera na si Aling Lydia na may edad na 50 taong gulang.

“Salamat sayo ineng, Mukang magkakaroon na naman ako ng magandang boarder dito. Huwag ka mag-alala ineng tahimik at payapa naman dito. Mababait ang mga tenants ko at kung may kailangan ka naman nasa dulong block lang ako” masayang sabi ni Aling Lydia kay Sheryl.

Ipinaliwanag naman ni Aling Lydia kay Sheryl ang mga dapat nitong malaman sa apartment.

Sa isang silid naman na iyon ay kapansin-pansin ang isang malaking antigo na aparador na aakalain mong isang aparador na may nanghahatak papasok sa loob tulad ng mga napapanood sa mga horror movies dahil ang itsura nito ay halatang panahon pa ng Espanyol ginawa.

“Ang lahat ay pwede mo gawin dito maliban lamang diyan sa antigong aparador na yan dahil gamit naman ang nandyan at mga lumang damit” Mahigpit na paalala ni Aling Lydia kay Sheryl.

Si Sheryl ay nag-iisa lamang sa Maynila, dahil siya ay tubog Mindoro dahil siya ang breadwinner sa kanyang pamilya at siya ang panganay, Nakipagsapalaran siya sa Maynila para sa kanyang pamilya.

May apat na taon na rin siya dito at palipat-lipat din siya ng trabaho. Sa ngayon ay nagtatrabaho si Sheryl sa isang BPO company sa Makati, kaya naman lumipat siya dito sa paupahan ni Aling Lydia na mas malapit sa lokasyon ng kanyang pinagtatrabahuhan.

Maya-maya lamang ay naalimpungatan siya dahil pakiramdam niya ay may nakatingin at nagmamasid sa kanya kahit na siya lamang ang tao don at wala ng iba. Ito ay sina-isipan nalamang ni Sheryl para hindi na siya matakot.

Pagkatapos naman nang pangayaring yon, Saglit na umalis si Sheryl sa bahay para bumili ng makakain at mga kakailanganin sa bahay, Pag balik niya ay naabutan niya si Aling Lydia sa may labas na nagwawalis.

“Kamusta ka naman doon sa bahay?” Tanong ni Aling Lydia

“Ayos naman po. Pero.. matanong ko lang po, napabendinsyunan ninyo po ba ang bahay?” nangangambang tanong ni Sheryl kay aling Lydia na parang nagalit sa tanong.

“Bakit ineng? May nararamdaman ka bang kakaiba?”

“Ahm.. wala naman po. Natanong ko lang po, Hindi rin naman po ako matatakutin sa multo”. sagot nalang ni Sheryl.

Samantala, Sa kalagitnaan ng gabi gising pa din si Sheryl dahil hindi siya dalawin ng antok, Siguro ay namamahay ito sa bagong nilipatang bahay, dagdag pa nito ang pag-iisip niya sa kanyang pamilya na nasa Mindoro.

Gustuhin man nitong umuwi ngunit pumapasok sa isipan niya na labing-isa silang magkakapatid at siya lamang ang aasahan ng kanyang mga magulang na makatulong sa kanila. Kaya naman mas pipiliin niya nalamang na manatili sa maynila para makapag trabaho.

Habang siya ay nag-iisip maya maya lamang ay may nararamdaman siyang kumakaluskos sa sala at kanya itong pinakiramdaman habang dahan-dahan tumayo at binubuksan ang pintuan ng kwarto. Ngunit sa kanyang paglabas. Walang tao!

Multo ba iyon?

Ilang beses na nangyari kay Sheryl ang ganon sa bahay na iyon. Parang may nakatingin palagi sa kanya at nagmamatyag. Nakaramdam ng takot at kilabot sa katawan si Sheryl.

Sa mga ganitong bagay pagdating sa multo ay hindi naniniwala si Sheryl, pero pag dating dito paano niya maipapaliwanag ang kanyang nararamdaman sa apartment na ito?

Kahit pa pagdating sa banyo at sa tuwing naliligo. Pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya. Bagamat wala siyang nakikita na kung ano man ay hindi mapigilan tumaas ang kanyang balahibo at makaramdam ng takot.

Lumipas ang ilang linggo, may napapasin si Sheryl sa kanyang mga panloob nababawasan ito at nawawala ang iba. Lalo na ang mga panloob na hindi niya nalalabhan.

“Imposible naman mawala nalang bigla ang mga panty ko? Sino naman ang kukuha non?” tanong ni Sheryl sa sarili.

 

Nagmamadali siyang tumakbo at luamabas upang tignan kung may namboboso sa kaniya. Ngunit wala nanaman siya taong nakita sarado rin ang pintuan at ang bintana.

Napatingin siya sa antigo at malaking aparador. Napansin niyang medyo angat ang pinto nito. Kinabahan naman si Sheryl dahil simula nang lumipat siya dito ay hindi niya ito binubuksan.

Naglakas-loob si Sheryl na ito ay lapitan at buksan. Sobrang lakas ng tibok ng puso ni Sheryl dahil sobra ang takot niya pagdating sa mga antigong bagay. Habang unti-unti niya itong hinahawakan kumaluskos nanaman ang aparador at hanggang sa nabuksan niya ito ng tuluyan. Hindi siya makapaniwala sa kanyang natuklasan nanlaki ang kanyang mata sa kanyang nakita.

Butas at sira ang dingding na kinalalapatan ng antigong aparador. Ito ay may malaking siwang na maaring pasukan ng kahit sinong tao. Nagsilbi itong lagusan palabas ng bahay na kinaroroonan ni Sheryl patungong likod bahay.

Natakot si Sheryl hindi dahil sa multo kundi dahil sa posibilidad na palageng may taong nakakapasok sa kanyang inuupahang bahay at doon dumadaan sa sirang dingding na kinalalagyan ng aparador.

Agad niya itong ipagbibigay-alam sana kay Aling Lydia ngunit nagulat ito ng nakita niyang nagkakagulo sa labas at may babaeng sumasampal kay Aling Lydia habang nakapaligid ang mga baranggay tanod.

Nalaman nila Sheryl na lahat ng pinapaupahan ni Aling Lydia ay may ganitong set-up mayroon isang antigong aparador na nakalapat sa butas na dingding para madaling makalabas pasok ang gusto manloob sa naturang paupahan at puro magagandang babae rin palage ang kanyang tenants at hindi siya tumatanggap ng may pamilya.

Lumabas naman ang tunay na pagkatao ni Aling Lydia kaya pala niya ito ginagawa at wala pasiyang asawa ay isa pala itong Lesbian. Ginawa niya itong siwang para makapanilip sa mga magagandang babae na kanyang tenant.

Sinampahan naman ng kaso si Aling Lydia ng ibang mga tenants kaya naman si Sheryl ay hindi na nagsampa ng kaso. Ang ginawa nalamang niya ay ipina-refund kay Aling Lydia ang mga naihulog nito na one month deposit at advance at humanap nalamang siya ng bagong malilipatan.