Dating child star na si Rhed Bustamante, ibinahagi ang nakakalungkot na naging buhay nya matapos iwan ang pag-aartista

Naaalala niyo pa ba ang isa sa mga cute na child star na si Rhed Bustamante na gumanap sa Flor de Liza?

Sa totoong buhay, kinakailangan nating maniwala sa kasabihang walang permanente sa mundo. Dapat palagi nating kuhanin ang mga magagandang oportunidad na iniaalok sa atin kung nais nating manatili sa itaas.

Ngunit naging iba ang kinalabasan sa child star na ito at maaaring ito ang pinaka-maagang aral para kay Rhed matapos mawalan ng mga showbiz offers.

Sa kasamaang palad, natapos ang kaniyang karera sa murang edad pa lamang. Sa edad na 11 ni Rhed, madami na agad siyang natutunan na aral sa buhay

Ayon sa kaniya, natutunan niyang huwag masyadong umasa ng sobra at matutong manalig sa panalangin sa Diyos.

Noon ay napapanood siya sa mga teleserye gaya ng Flor de Liza ng ABS- CBN at Endless Love ng GMA Network. Naging parte din siya ng mga pelikula gaya ng The Amazing Praybeyt Benjamin, Seklusyon at Maria Leonora Teresa.

Ang teleseryeng Flor de Liza ang naging daan upang umunlad ang kaniyang karera pagkat marami ang nakapansin sa kaniyang angking galing sap ag arte.

Tinaguriang best child- kontrabida din si Rhed. Nakatanggap din siya ng special jury price noong Metro Manila Film Festival 2016. Dahil sa kaniyang kaliwa’t kanan na proyekto, inaasahan ng marami ang pag angat pa lalo ng kaniyang pangalan.

Sa kaniyang panayam sa Rated K, sinabi niya na “Akala ko po kapag nag artista ka, maraming mag- ooffer saýo pero hindi po pala ganun ” sinabi niya din na sana makabalik siya sa pag-aartista upang matulungan niyang muli ang kaniyang pamilya.

Nabanggit niya din na humahanap sila ng bagong matitirahan pagkat hindi na makayanan ng kanilang pamilya ang pagbabayad ng renta.

Dahil dito, muling nabigyan ng pagkakataon si Rhed nang mapanuod ni Coco Martin ang buhay ni child star. Kaya naman inalok niya ito na lumabas sa FPJ’s Ang Probinsyano.