Zanjoe Marudo, masaya at namumuhay ngayon sa probinsya dahil nagagawa ang lahat ng gusto bilang isang normal na tao

Hinangaan natin si Zanjoe Marudo sa kanyang karakter bilang isang madiskarteng electrician sa BG sa I Want digital series na My Singles Ladies na kaylan lang inilabas sa telebisyon linggo lang ang nakalipas.

Muli nating masasaksihan ang pag-arte ng aktor na si Zanjoe Marudo bilang si Natoy sa seryeng “Tubig at Langis” matapos itong ipalabas muli sa PrimeTime Bida sa ABS-CBN kung saan kasama niya dito sa seryeng ito ay sina Christine Reyes at Isabelle Daza.

Katulad ng kanyang karakter sa teleseryeng “Tubig at Langis” ay maraming hindi nakaalam na isa talagang Probinsyano sa totoong buhay ang aktor.

Kahit pa madalas na karakter nito sa ibang pelikula o teleserye ay mayaman at elegante ay proud na proud ang aktor na maging isang “Probinsyano” dahil tulad ng marami ay sanay siyang mamuhay ng simple sa isang rural na bayan.

Ang aktor na si zanjoe ay lumaki sa Tanauan, Batangas kung saan siya nasanay at namumuhay ng simple.

Matatandaan noon sa isang interview kay Zanjoe sa Cinema One ay ikinuwento niya ang mga ginagawa niya noong kanyang kabatan kapag siya ay nasa probinsya.

“Sa Manila, pagkatapos ng school, then pag weekend at summer nasa Batangas. Sa bukid nagtatanim, nagdadala ng food sa lolo at lola.

Kapag tanghali kukuha ng buko, gano`n tapos sumasakay sa kalabaw at naglalaro sa initan”. ang pagbabalik tanaw ni Zanjoe sa kanyang kabataan.

Ngayon isa na si Zanjoe sa pinka-kilala at sikat na aktor at leading man sa showbiz sa ating bansa.

Ngunit kahit na sa kabila ng kanyang pamamayagpag sa kanyang karera ay sinigurado niya na ang kanyang kinikita sa pag-artista ay mapupunta kung saan siya ay makikinabang.

Sa isang interview sa programa ni Tito Boy sa Tonights with Boy Abunda, ay ibinahagi ni Zanjoe na matatapos na kanyang ipinapagawang resthouse at ito ay itinayo sa isang maliit na mango farm.

Ilang taon na rin ang lumipas matapos mabili ng aktor ang kanyang mango farm na nagsisilbing venue ng kanilang family reunion o di kaya naman ay kanyang pahingahan kapag nagbabakasyon.

Makikita din sa mga post ng aktor sa kanyang Instagram ay hindi lamang sa kanilang probinsya ito namamasyal dahil ito ay pumupunta pa sa ibang probinsya upang mamasyal at gawin ang ginagawa ng isang probinsyano.

Tulad ng isang larawan nito na sinusubukan ang pagsasaka, paglalaro ng basketball sa kalye at pagluluto ng lechon. Makiktia din sa mga larawan ang pamamasyal ng 34-taong gulang na aktor sa probinsya gamit ang kanyang motorsiklo.

View this post on Instagram

TRiP SA BUKiD Link sa bio 😂

A post shared by zanjoe marudo (@onlyzanjoemarudo) on