Andi Eigenmann, ipinasilip ang simpleng pamumuhay kung saan sila mismo ang nanghuhuli ng isda, naglilinis at nagluluto

Si Andi Eigenmann ay ipinanganak sa isang mayamang pamilya ngunit ngayon ay nabubuhay siya ng simple at payak kasama ng kaniyang nobyong si Philmar Alipayo at ang kanilang anak na si Baby Lilo.

Isinuko ni Andi ang lahat sa kadahilanang mas nais niya ang buhay probinsya.

Sa kaniyang pamamalagi doon ay madami siyang natutunan. Makikita sa kaniyang social media at mga vlogs ang kaniyang simple ngunit masayang buhay sa Isla ng Siargao.

Isa na nga diyan ay ang pamimingwit ng isda, paglilinis at pagluluto sa Greenhouse sa Siargao Island.

Si Philmar at ang kanilang mga kaibigan ang nakatoka sa pamimingwit habang si Andi naman mismo ang naglilinis ng mga sariwang isda gamit ang mismong bato sa may ilog. Kitang kita na walang karate- arteng hinahawakan ni Andi ang mga isda.

Nang malinis na niya ito, saka niya tinimplahan ng mga pampalasa at mga sahog ang lulutuin niyang Pinaksiw na Isda. Kagaya ng luto ng iba, nilagyan niya ito ng sibuyas at sili.

Syempre upang maging mas espesyal, binuhusan niya ito ng suka ng Siargao.

Tunay nga na ang isang Andi Eigenmann ngayon ay ibang iba sa nakilalang Andi noon. Mas lumabas ang kaniyang pagiging simpleng babae at mapagmahal na ina maging asawa. Kaya hindi na nakapag tataka na mas marami ang humahanga sa kaniya ngayon.