Mag-asawa na nakatira sa jeep, napaiyak matapos ipa-renovate ni Angel Locsin ang kanilang tahanan at binigyan ng mga gamit

Muling pinatunayan ni Angel Locsin na gagawin niya ang lahat upang makatulong sa kaniyang kapwa.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang mga jeepney drivers ay isa sa mga pinaka-naapektuhan ng community quarantine sa bansa.

Napilitan silang ihinto ang kanilang pamamasada. Magpasahanggang ngayon ay hindi nila alam kung kailan sila maaaring makapag hanap buhay muli.

Dahil dito, may ibang jeepney drivers ang walang magawa kung hindi manlimos na lang sa kapwa nila namamasada at ang matindi ay ang mga taong napilitang manirahan sa mismong jeep nila.

Nito lamang sa bagong show ni Angel Locsin na “Iba Yan”, nagbigay siya ng tulong sa mag asawang naninirahan sa jeep mula noon lang naideklara ang lockdown sa Metro Manila.

Sila ay sina Tatay Jimmy at Nanay Emilia na hindi na nakabalik sa kanilang tahanan sa Rizal dahil sa lockdown.

Wala na silang ibang nagawa kundi mamalagi na lang sa jeel hanggang sa matapos ang quarantine.

Ayon kay Tatay Jimmy, ang bahay nila sa Rizal ay walang kahit anong pintura.

Maski ang mga upuan at kamang tutulugan ay wala din. Ang tanging mayroon sila ay durabox, paso, ilang plato at kutsara, at ang kalan.

Matapos marinig ni Angel Locsin ang kwento ng mag- asawa, agad naman niya itong ginawan ng paraan upang maisaayos ang naturang bahay.

Namili siya ng mga gamit sa bahay kagaya ng kama, lamesa, upuan at madami pang iba. Pinapinturahan niya na din ang buong bahay.

Bukod pa doon, binigyan din ng aktres ang mag asawa ng sari- sari store upang magkaroon sila ng kahit kaunting pera para sa pang araw- araw habang hindi pa maaaring mamasada si Tatay Jimmy.

Nang matapos na ang lahat ay inimbitahan na sila ni Angel Locsin sa kanilang newly renovated na bahay na may kumpletong furnitures.

Naging emosyonal ang mag asawa dahil sa ginawang kabaitan ni Angel sa kanila. Lubos silang nagpasalamat dito at walang kapantay ang saya nang sa wakas ay makakatira na sila sa isang tahanan na komportable tirahan.

Iba 'Yan: Mag-asawang nakatira sa loob ng jeep bumuhos ang luha matapos ipakita ni Angel

Tatay JIMMY: "Excited dahil makakatulog ako sa bahay ko… hindi kagaya diyan… kapag pagdilat mo, bubong ng jeep…" Sa kanilang pag-uwi ay hindi naman nila inakala na maayos na ang kanilang bahay na walang upuan at higaan dati. Nagdagdag rin ng sorpresa na sari-sari store ang #IbaYan team. PANOORIN: Don’t forget to LIKE our OFFICIAL page, www.facebook.com/ABSCBNnetwork

Posted by ABS-CBN on Sunday, July 5, 2020