Na-b0gus na Online Seller na inorderan ‘daw’ ng 1300 Gallons na alc0hol ni Angel Locsin, pinabl0tter si Angel

Pumukaw ng pansin sa netizens at mga taga ang naging komento umano ng isang online seller ng alk0hol sa isang Instagram post ni Angel Locsin na kung saan nag sasaad ito na umorder daw ang aktres ng mga alkohol ngunit hindi ito kinuha at binayaran.

Lingid sa kaalaman ng aktres na siya ay naipablotter nap ala ng seller dahil sa naturang insidente.

Mababasa sa komento ng seller na si miracle.baluyot “Ung alc0h0l po na inorder nyo po.. Pls pkikuha nyo na po.. Pls lng.. Ndi po tau ngbbiruan dito.. Pagod at puhunan po ang ginastos nmin dito.”

Maaaring akalain ng iba na ito ay isang modus lamang ngunit kung mas sisiyasatin pa ang ilan sa kaniyang mga komento, tila baliktad ang naging sitwasyon.

Ang online seller na si miracle.baluyot ang naloko umano ng isang customer na nagpanggap bilang si Angel Locsin. Umabot daw ng 1300 gallons ng alk0hol ang inorder ng customer na ito.

Hindi daw biro ang ginastos at perang inilabas ng seller na ito dahil sa dami ng alk0hol na iyon kaya naman nakikiusap siya n asana ay kuhanin na ito ni Angel at bayaran.

Malinaw na iponaliwanag ng aktres na hindi siya umoorder sa ibang seller pagkat direkta niya iyong binibili sa factory na kaniyang pinag eendorsohan “Sorry wala po akong inoorderan ng alk0hol dahil direkta po akong bumibili sa factory ng Rhea bilang endorser po ako at nakakakuha ng discount,” saad niya.

Ang ginawang hakbang naman ng seller ay ang pagrereport at pag papablotter nagpapanggap na Angel Locsin.

“Nagpablotter na kami kc no choice na kami. Ung nakalagay mismo sa text un naka-blotter. Sabi niya ndi siya un. Ok pero un ang way namin para malaman ng mga tauhan namin na naloko kami. Naghintay kami sa wala at least nagawan ng aksiyon. Para hindi na tularan,” sabi niya.

Hinikayat naman ni Angel na ipost ng seller ang naging usap nila nung fake customer at kaniya itong irerepost upang maging babala sa iba.

Source: Definitely Filipino