Narito ang buhay ngayon ni Spanky Rigor ng VST & Company matapos iwan ang showbiz industry

Siguro nga ay marami ang may gustong mag-artista o makapasok sa showbiz industry pero mayroon pa rin naman iilan na mas piniling huwag ito pasukin.

Ang iba naman ay ayaw ng panghabang-buhay na nasa industriya ng showbiz at mas piniling talikuran ito at mamuhay ng simple.

Tulad na lamang ng dating sikat na sikat na singer ng grupong VST & Company noong 1970`s na si Spanky Rigor.

Sumikat ng husto ang grupo na ito dahil sa kanilang Iconic song na “Awitin Mo at Isasayaw Ko”, Ilan sa mga miyembero nito ay ang magkapatid na Val, Vic at Vicente Sotto.

Kasama ng magkakapatid na Sotto syempre ang gumawa ng kanta na si Joey De Leon at si Spanky Rigor.

Nakaraan laamang ay napagusapan ang sa social media ang isang dokumentaryo ng pamangkin ni Spanky na si Albert Samaha na isang “investigative journalist”.

Si Spanky ay lumaki sa simple ngunit masayang pamilya. Sumikat ng husto ang mang-aawit na to noon.

Sa murang edad niya ay kinailangan niyang maghanapbuhay para makatulong sa magulang na kumita ng pera.

Nabigyan ng malaking oportunidad si Spanky nong makilala niya si Vic dahil napansin ni Sotto na pambihira ang husay ni Spanky sa pag-awit at inalok ito na sumali sa kanilang binubuong grupo.

At hindi naman talaga nasayang ang binigay sa kanyang oportunidad dahil talaga naman na sumikat ng husto si Spanky at ang kanilang grupo sobrang dami nilang tagahanga na sa kanila ay nagtitilian lalo na ang mga kababaihan.

Ngunit ang lahat ay natapos dahil dumating si Spanky na magdesisyon na talikuran na ang industriya ng show business at mamuha nalamang sa ibang bansa na simple at tahimik kasama ang kaniyang pamilya sa Amerika.

At nang siya ay naroon na talaga naman namangha siya sa ganda at kalinisan ng lugar at hindi siya nagsisi na manirahan doon.

Pero hindi naging madali ang lahat dahil wala siyang pagpipilian doon na trabaho kundi ang isang “baggage handler” mula sa kaniyang kasikatan ay nauwi sa isang mahirap na trabaho.

Pero hindi ito naging hadlang sa kaniya o panghinaan ng loob bagkus ito ang naging hamon sa kaniya at aral na mag pursige sa buhay.

Hindi niya alintana ang lahat ng pagod dahil alam niya na ito ay marangal na trabaho at kumikita siya ng pera para ipang suporta sa kanyang pamilya.

Ayon sa aming source ay masayang-masaya ngayon si Spanky at ang kanyang pamilya sa Amerika at sinasabi niyang hindi siya nagsisi na ipinagpalit niya ang kasikatan noon para sa simple at tahimik na buhay ngayon.