Jao Mapa, ibinahagi ang ibang level ng pamumuhay ngayon matapos umalis sa industriya ng showbiz

Tunay nga na kapag may umalis, may papalit o pupwede din namang bumalik.

Kagaya na lamang ng dating aktor na si Jose Vicente D. Mapa III o mas kilalang Jao Mapa. Noong 90’s ay kabilang siya sa isang sikat na grupo na “Gwapings”.

Madami ang nagbukas na pinto ng oportunidad sa kaniya hindi lamang sa sa mga teleserye at pelikula kundi maging sa mga Tv Commercials.

Photo from @jao_mapa Instagram

Ngunit sa isang iglap ay naglaho si Jao. Bali- balita ay na-heart broken siya sa kaniyang non-showbiz ex- girlfriend na kung saan ay dinamdam niya ito ng lubos.

Bumalik sa pag aaral si Jao upang ipagpatuloy ang kursong Fine Arts, Major in Advertising sa University of Santo Tomas. Nakahiligan niya din ang paglalaro ng Football.

Photo from @jao_mapa Instagram

Unti- unting bumalik sa dati o humigit pa sa kaniyang dating buhay ang kaniyang nararanasan sa kasalukuyan.

Taong 2015 nang bumalik sa pag-aartista si Jao sa Ang Probinsyano.

Photo from @jao_mapa Instagram

Masaya din ang kaniyang buhay pamilya kasama ang kaniyang asawang si Cecille at tatlong mga anak na sina Benjamin, Caleb at Amber Marie.

Hindi lang doon nagtatapos ang paglalakbay ni Jao sa kaniyang buhay. Nais niya pang muling humakbang sa isa pang mataas na posisyon.

Photo from @jao_mapa Instagram

Sa kaniyang social media account, masisilayan doon na siya ay pumasok sa isang private corporate world at matiyagang pumila para makakuha ng examination para sa level up position sa SMDC.

Photo from @jao_mapa Instagram

Wala naman daw pinag sisisihan si Jao sa kaniyang maging naging desisyon. Sa katunayan, mas nagugustuhan niya ang mga nagiging resulta nito.