Silipin ang magarbong tahanan ng aktres na si Kris Aquino sa QC na sobrang lawak at ganda

Ayon sa aming source bago pa lumipat sa kanyang bagong bahay sa Quezon City ang dating actress/host na si Kris ay pinagawa niya muna ito at at ipinabago ang disenyo sa tulong ng Heim Interior tean at interior designer na si Rossy Yabut-Rojales.

Taong 2013 nang lumipat si Kris kasama ang kanyang mga anak na si Josh at Bimby sa Quezon City.

Ang bahay na ito ay hindi katulad ng mga bahay ngayon na moderno ang disenyo dahil mas pinili ni Kris na maging homhomey-cottage ang bahay nito.

“Ang bilis, considering na malaki `yong house We had to take down some walls and do some expansion.

The original house kasi, ang natira lang bale `yong shell niya, the structure itself. We have to make the necessary adjustments according to Kris`s needs.”

“Plus, i-fact-in mo pa`yong feng shui. Ang vision niya kasi is parang it`s more of Hamptons, `yong classic country home na perfect for family.” ayon pa dito.

Pagpasok mo naman sa kanyang bahay ay bubungad agad sayo ang malaking living room na talaga naman pambihira ang ganda at may malalaking bintana na talagang pinasadya niya para makapasok ang sikat ng araw at ng matanaw niya ang kanyang hardin sa labas ng bahay.

Pagdating naman sa dining-area mas pinili ni Kris na isang long table ang gamitin o ipalagay kaysa sa coffee table. at upang mas kaaya-aya tignan at engrande ang mga ito nilagyan niya ito sa gitna ng magandang chandelier.

Ang mga ideya ito ay nakuha niya sa isang feng shui expert at nagpapaala daw ito ng kanyang ina na si Cory Aquino.

Ang gusto naman ni Kris para sa kanyang kusina ay mala Island style dahil mahilig siya magluto.

Makikita naman ang kanyang make-up room sa unang palapag na talagang ipinalagay niya sa baba para hindi siya mahirapan pa sa tuwing pupunta siya dito.

 

 

“Para accesible, you don`t have to go up. For example, there`s a makeup artist, hairdresse- they don`t need to go up sa bedroom they`re just here sa baba” ayon kay Kris.

Makikita naman ang kanyang walk-in closet sa 3rd floor. Nung una pa nga daw ay balak nitong gawing guest room ngunit ginawa nalang itong malawak na closet at sa gitna ay may malaking chandelier.

 

 

“Gusto ko talaga ng open, Ayokong may excuse to be cluttered. Pag hindi yan bukas, magulo yan. Totoo naman, di ba? Kung maraming tinatago, maraming gulo,” pahayag ni Kris.

At ang huli ay ang kanyang malaparaisong hardin na talaga naman kung makikita mo ikaw ay mabibighani bukod sa ganda nito ito pa ay punong-puno ng mga bulaklak na bougainvillea at iba pang klase ng halaman.