Sulyapan ang bonggang bahay na nabili ni Mimiyuuuh para sa kanyang mga magulang bunga ng kanyang pagsisikap

Jeremy Sancebuche o mas kilala bilang si Mimiyuuuh ay isa sa pinaka-minamahal at tinatangkilik na vlogger dito sa Pilipinas.

Hindi maitatago na ang kaniyang kwentong buhay at ang mga hirap na pinag daanan niya bago siya maging successful vlogger.

Ngunit dahil sa kaniyang pag tatrabahong mabuti at pasensya, unti- unting naabot ni Mimiyuuuh ang pangarap niya at ng kaniyang pamilya.

Ito ay dahil sa mga videos na kaniyang ginagawa at inuupload sa YouTube, ang influencer ay nakayang makabili ng bahay na titirahan ng kaniyang pamilya.

Sa kaniyang pakikipag panayam sa entertainment website na Push, sinabi ni Mimiyuuuh na “Nakahanap na po kami. Yehey! Ongoing na po ‘yung pagpa-process niya.”

“Hindi po talaga [expected]… Akala ko nga po mga nasa 30s pa ako makakabili ng bahay tapos ayun po, sobrang amazed ako na makakabili na po ako ng bahay for my family.” dagdag pa niya.

Nitong nakaraang June 2020 na vlog ni Mimiyuuuh, ipinasilip niya sa publiko ang kaniyang “”house hunting” kasama ng kaniyang pamilya.

Sinabi niya na noong siya ay bata pa, pinapangarap na daw talaga niya na magkaroon sila ng sariling bahay dahil lumaki siya nang nangungupahan lamang

Sabi niya, “Sobrang dream ko po talaga na magkabahay po kasi ever since hindi po talaga kami nagkabahay, parang nagrerenta lang po kami.

“May time nga po na parang pinapalayas pa po kami kasi hindi nakakapagbayad ‘yung nanay ko.”

Dagdag pa niya, “Talagang pinag-ipunan ko po talaga so lahat po ng YouTube sahod ko talaga ay dito ko po talaga ilalaan.”

Madami sa kaniyang fans at supporters ang sobrang natuwa sa kaniya at pinupuri siya sa kaniyang pagiging humble at down to earth sa kabila ng kaniyang pagiging sikat sa kasalukuyan.