Sulyapan ang nakakaantig na mensahe ni Yohan Agoncillo para sa kanyang mga magulang na umamp0n at nag-alaga sa kanya

Ang mga magulang natin ay ang mga tao sa mundo na mag mamahal sa atin ng lubos. Sila ay mananatili sa ating tabi kahit na ano pa ang mangyari.

Palaging nariyan para gabayan at suportahan tayo sa kung anong nais nating gawin sa buhay.

Sila din ang mga taong kayang isakripisyo ang lahat para lang magkaroon tayo ng magandang buhat at kinabukasan.

 

Ang pagiging magulang ay hindi nasusukat kung ito ba ay kadugo o hindi. Sapat nang patunay ang pag mamahal at pag aarugaupang masabi na sila ay ganap na magulang.

Kagaya na lamang ng celebrity couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Dalaga pa nang nag desisyon si Judy Ann na ampunin ang kaniyang panganay na anak na si Johanna Louis Agonciollo, o mas kilalang Yohan.

Ayon sa kaniyang panayam, inihanda naman na daw niya ang kaniyang sarili sa panahon na kinakailangan nang ungkatin ang nakaraan.

Ganoon pa man, nasa tamang edad naman na daw si Yohan upang maintindihan ang mga ito ngunit ayaw niya pa ding biglain pagkat ayaw niya namang masyadong magulat ang kaniyang anak.

Ang simple at makabagbag damdamin na mensahe ni Yohan sa kaniyang pamilya, “As for me, I’m really thankful na uhm, I was adopted by my family because it makes me feel special and take note that Adopted is a really special word to understand.”

Sinabi din ni Juday na sobrang proud niya sa kaniyang anak kung paano niya ihandle ang sitwasyon.